Thursday, December 5, 2013

PAANONG SUMAYA?

PAANONG SUMAYA?....

KUng ang nais ko'y maging masaya
Ako'y laging ngingiti't tatawa
Kung ang nais ko'y lumigaya
Ako'y iiwas makarinig sa iba

Aanhin ang buhay ng isang mayaman
Kung salat sa bait at may kayabangan
Aanhin ang sementadong mansion sa bayan
Kung nakatira'y mapagmata't kay tapang

Mabuti pa ang bahay na simple't pawid
Kung ang nakasilong tunay na matuwid
Mabuti pa ang masikip na silid
Kung ang bawat yakap ay wagas at mainit

Tumingala ta sa langit kaibigan
Upang bawat tapik N'ya ating matugunan

Terweena 2013 (Oct.8 )

Photo credits to the owner


No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...