"ANG NAGPAPAKABABA AY ITINATAAS"
(eye opener)
www.weenweenreyes.blogspot.com
Nakalap ko na ang mga extrang kagamitan ng aking pamilya, mula sa mga kasuotang nakatengga lang sa kanilang mga closets. Para sa akin di bale na lang magbigay kami, kaysa kami ang nasa kanilang sitwasyon.
Dalawang katamtamang kahon lang ang aking naipon, pero aking nakikinikinita ang maaring maidudulot na tulong n'yon sa mga biktima ng galit ni Yolanda. Masarap sa aking pakiramdam. Dati iniipon ko yun para ibigay sa aking mga relatives and friends ngunit ngayon gusto kong ibigay lahat sa mga nasalanta. Para sa akin ayos lang ang mga ka-anak ko't kaibigan pero ang mga nasalanta, madadamitan, mapapalis ang ginaw o init man sa mga kasuotang aming ibinigay. Kahit ang ibang may kunting tastas na magaganda pa ay pinagtyagaan kung tahiin dahil alam kong wala silang mga sinulid at karayom ngayon. Isusunod na lamang namin ang mga groceries dahil napick up na ang mga kahon ng damit.
Habang sinusulat ko ito ay di maiwasang tumulo ang aking mga luha (pati ilong tumutulo) at pamimigat ng aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang hirap na kanilang pinagdaraanan, dahil partly ay naranasan din namin ang mabaha nong panahon ng Undoy at habagat na kung tutuusin ay katiting lang sa nararanasan nila ngayon.
Minsan naiisip ko dapat siguro ang mga anak ko na nasanay sa simple ngunit komportableng buhay ay umalis sa comfort zone nila. Mahirap din palang mabigla. Pagdating ng kalamidad walang mahirap, walang mayaman, walang senyorito, walang senyorita.
Nakakaiyak isipin na pag dumating ang mga ganitong sitwasyon ay wala tayong kalaban laban at walang magawa kundi tanggapin ang sitwasyon at magdasal. Kailangan, taimtim na dalangin at wag bibitaw sa "KANYA". Kailangan nating manalig, kailangan nating maniwala't magtiwala sa Diyos. At ito ang magpapatunay na meron ngang "NILIKHA" na sa atin ay gumawa.
Ngunit may mga bagay na gusto kong itanong sa aking sarili na "SYA" lang ang makasasagot. Sa nangyayari ba ngayon sa ating kalikasan at sa sunud-sunod na kalamidad, ano ang gustong ipabatid nito?
1. Ang tao ba ay umabuso na (mining, deforestation, clogged canals, etc.) kaya tayo'y pinarurusahan?
2. Ito ba ay tapik lamang sa atin ng Panginoon upang tayo ay magbago?
3. Kung magbabago ba tayo ay patatawarin tayo ng Diyos at babaguhin Nya kung anuman ang plano Nya sa mundo?
4. Ito ba ay kagagawan ng kalaban ng Diyos upang tayo'y mawalan ng tiwala sa Kanya?
Ngunit anu't-anuman ang dahilan, may kasagutan man o wala, di man natin naintindihan ang nanyayari sa mundo'y patuloy tayong kumapit sa Kanya. Matuto tayong magpakumbaba at magbago, matutong mamuhay ng simple at magpakabuti, lagi tayong magdasal at magsimba. Kailangang lagi tayong nakahanda not only physically but spiritually. Let's "live life as if it is our last", sabi nga.
Maging anuman ang ating relehiyon, ma Katoliko, Aglipayan, Iglesya, Protestante, Born again, Four Square, Jehovah, Baptist, Seventh Day, Muslim, Buddhist, Methodist at iba pa ay walang karapatan na maghusga kung sino ang makapapasok sa Kanyang kaharian. Wag natin "Syang" pangunahan.
Let's humble ourselves... ang nagpapakababa ay itinataas at ang nagpapakataas ay ibinababa!!!
To all victim's of Yolanda's wrath, we will pray for you!!! GOD BLESS YOU ALL AND CONTINUE TO HAVE FAITH IN HIM!!!
Terweena 2013 (Nob.
Photo credists to the owner