Thursday, December 5, 2013

"KASAMBAHAY"

"KASAMBAHAY"
(Utang na loob)

Ah, good morning kids, uunat unat na bati ni Terwi sa kanyang mga anak. Mayamaya ay humahalimuyak na ang aroma ng mainit na kape sa kanyang harapan. Habang naglalagok ng kape ay may kasiyahan syang nadarama. Sa isip n'ya, bilib na bilib talaga ako sa alalay kong ito kahit di mo itinuro alam nya kung ano ang makakapagpasaya sa kanyang mga amo.

Ito ang kweto ni Terwi:

Si Maria ay galing sa isang bahay na kung saan ay masasabi nating iligal na bahay ampunan. Iligal sya sa pagkakaalam ko dahil nag-adopt ang isang lalaki (lalaki?) ng 25 na bata galing kung saan saan. Nanduong may lumapit sa kanyang isang ina na may dalang bata at pinaampon sa kanya ng ina nito dahil sa kahirapan sa buhay, ang iba nama'y nabuntis sa tabi tabi at di mapanagutan ang pagiging ina dahil wala namang amang matatawag at marami pang istorya kayat naparami ang kanyang naampon.

Ngunit nakakalungkot naman na sa pagtulong mo sa kapwa ay nakakagawa ka pala ng labag sa batas. Ginastusan nya ang kanyang mga ampon, binigyan ng tahanan, pinakain, pinaaral, pinaalagaan sa abot ng kanyang kakayanan. Oo nga pala bago tayo malibang, di dito nakasentro ang ating kwento kundi sa isa sa mga nag-alaga sa mga bata.

"Ate, naghahanap ka raw ng kasambahay? Tanong ng isang kasama sa trabaho. "Aba'y oo naman, bakit may irerekomenda ka ba?"Oo ate, si Maria, aalis na raw doon sa kaibigan ni Boss, walang malipatan, taga bisaya, wala namang pamasahe para makauwi, di ata nasuswelduhan." litanya ng aking kausap. "S'ya papuntahin mo rito at ng makaliskisan."

Bago mag-uwian nang hapon ng araw ding iyon ay dumating ang babaeng pinag-uusapan namin. Isang payat at maliit lang na babae na kasing taas yata ni Aisa seguerra ang tumambad sa aking harapan. Medyo mahiyain, morena ngunit mukhang desididong magtrabaho at mukha namang mabait kaya't wala ng masyadong pina-usapan at isinama ko na sya sa bahay.

Maraming kwento si Maria na kung aking wawariin ay mukhang may katotohanan dahil makikita mo sa kanyang kilos at pananalita na s'ya ay inosente at walang kakayahang maggawagawa ng istoryang ikagaganda nya. Magtatatlong buwan na raw s'ya sa bahay ampunan ni Mr. Anselmo. Pero hindi ito doon nakatira. Tatlo sina Maria na katulong doon sa malaking bahay, ngunit kulang ang kanilang palad para sa dami ng inaalagaan at ang kanilang malimit na ulam daw ay margarine dahil mukhang kinukupit ng may hawak ng budget ang pamalengke.

Ayos lang naman daw sana dahil hangad lang nya na makapagtrabaho dito sa Maynila at makaalis sa hirap ng buhay sa probinsya. "Nagtatanim kami ng tubo sa hacienda ate, grabe ang init, di ko talaga kaya, kaya ako napilitang sumama dito sa Maynila nung mag-aya ang aking tiya, at doon nga nya ako nirekomenda kay Mr. Anselmo. Ang problema tatlong buwan na ako doon ay hindi pa ako nasuswelduhan, aniya

Napapiksi ako sa kanyang tinuran, kaya pala malakas ang putok kasi lumaki sa init ng araw. Pero hindi ako naturn off kahit ganun sya. Pagkaligo kinabukasn ay agad ko s'yang malumanay na kinausap at pinaliwanagan, na kailangan nyang maligo araw araw at gumamit ng deodorant para sa kanyang kapakanan bilang dalaga at gusto ko ring ang mag-aalaga sa mga anak ko ay malinis. Di ako pumasok ng araw na iyon at buong araw ko syang tinuruan kung ano ang gusto kong pagtratrabaho nya. mula sa pagpaligo ng bata, pagluto, paghugas ng plato hanggang sa paglinis ng CR.

Nakakatuwa, kahit ang pagkakakuha ko sa kanya ay by chance lang na masasabi, naging maswerte ako't napakabait na ay napakasipag pa pala't napakatyaga ni Maria. Kung minsan ay napapagalitan ko naman pag di ko gusto ang ginagawa pero tahimik lang syang nakikinig. Minahal nya ang aking mga anak na tulad ng pagmamahal ng kadugo.

Ang isang nakakatuwa pang ugali ni Maria na nagustuhan ko ay napakaingat nya kahit sa pananamit. Ni minsan ay di nagtanong sa akin kung ano ba ang pupuntahan namin at kung ano ang isusuot nya. Hinihintay nyang makapagbihis ako't pag nakita na nya ang damit ko ay magkukumahog na magbihis ng mas simple kaysa sa pananamit ko.

Halos mag dedebut pa lang sya nung mapunta sa akin at ng huling magpaalam pauwing probinsya ay 28 taon na sya. May panagako ng pagbabalik ngunit hindi na nagawa dahil sa aking nalaman nung huli na nakapag-asawa na ng taga kanila.

Makalipas ang anim na taon ay naisip kong sulatan at hingin ang cell phone number para matawagan ko sya. At napag-alaman ko na s'ya pala'y may asawa na't isang anak na mahigit apat na taon. Hinikaya't ko syang lumipat dito kasama ang kanyang asawa't anak pero ayon sa kanya ay meron na silang maliit na tirahan sa loob ng hacienda at kung iiwanan nila sakaling di nila magustuhan ang buhay dito ay wala na silang babalikan.

Makaraan ang ilang taon, muli ay naisip ko na namang sulatan si Maria para makuha ko ang cp number at makausap ko sya. Sabi nya, graduating na sa elementary ang nag-iisa nilang anak at problema nila ay kung paano mapag-aaral. Pinagtutulakan na raw sya ng asawa nya na magtrabaho sa ibang bayan para mapag-aral nila ang anak dahil ang kinikita ng asawa sa hacienda bilang farmer ay kulang pa para sa kanilang tatlo.

Iyon ang nagbunsod sa akin upang alukin syang muli na magtrabaho sa akin but this time may kasama ng pagtulong. Ang sabi ko sa kanya ay isama nya ang kanyang anak at dito na namin pag-aaralin hanggang sa kolehiyo, matapos kong kausapin ang mga anak ko na agad naman ay pumayag.

It's payback time. Napakasaya ng pakiramdam ang maisip mo na sa maliliit na paraan ay makatulong ka sa kapwa. Excited na akong dumating ang April kung saan gagraduate na ang nag-iisang anak nina Maria para makapunta na sila dito hindi dahil sa mga tulong na pwede nyang ibigay sa pamilya ko kundi ang kaisipang may masasagip kaming isang pamilya na nagsisikap mapatapos ang anak kahit pa maghiwalay sila sumandaling mag-asawa. Ngunit may pangakong sa tamang panahon ay papasundin din namin ang kanyang asawa para makapagsimula sila ng buhay kasama naming mag-asawa sa aming pagtanda

Sana itong kwento ni terwi ay makapagbigay sa inyo ng aral. Ang mga kasambahay ay dapat nating igalang dahil tayo ay maraming utang na loob na dapat tanawin sa kanila. KUng wala sila ay hindi natin magagawa ang kailangan nating gawin away from home. Walang magbabantay at magpapakain sa ating mga anak. Walang gagawa ng mabibigat na gawain sa bahay gaya ng paglalaba, paglilinis at pagluluto. Sana ang mga kasambahay ay kagaya din ni Maria na may mababang kalooban para pagdating ng araw baka masuklian pa ang kanilang kabutihan...sabi nga "kung may itinanim may aanihin"

Winws 2013

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...