Thursday, December 5, 2013

TAYO BA'Y PAKIKINGGAN

TAYO BA'Y PAKIKINGGAN?

Sa himpapawid,
natutok ang tingin,
ang panginorin naantaw, 
sa gitna ng kahindik-hindik,
may naalala... kanina lang,
nagbatian ng kapayapaan,
sa ilalim ng bubong ng simbahang di hubad
ang langit di masilayan.
Ang mga mukha'y tila espasol,
kahit ang pilikmata, kumapal;
nagmistulang konpeti ang nagliliparang mga labi,
durug-durog ang moog na kay lelang,
mga daing umalingawngaw, nagpapagibik.
Ang kamaymayan ng mga alisaga natuldukan,
alip-ip sa panaginip,
nasa'y tumalilis sa kung saan, urali ng takot
ngunit ang mga bahay at gusali'y
nadoble ang bilang, tulingag sa umiinog na paligid
iba'y nangaggulapay.
Ang mga mata'y sulipat,
bigla, isa-isa'y nag-antanda, nalindayag,
sa di alumana, ang Amang Nagpala
na nilimot ng mga nakakarahuyong kasuotan
high tech na cellphone at lap top",
ng kaygagarang sasakyan
at iba't-ibang karangyaan.
Urit-uritin man natin ang langit
tayo ba'y pakikinggan?

Terweena 2013 (Oct. 20)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...