Tuesday, December 3, 2013

ULILANG TULA

Photo credits to the owner




Ulilang tula

Ating diwa'y busog sa letra't salita
Gisingin ang isip oras na kumatha
Damdamin ng puso ang syang magsalita
Hayaang anurin hayaang tumula

Ang takot ay multong sa ati'y yumakap
Sukdulang tiwala'y tumakbo't masadlak
Paalam, pagsuko'y hindi nararapat
Inulilang tula'y sisigaw iiyak

Talentong paghabi, Diyos ang pumili
Letrang tahitahi kahit tagpi tagpi
Alay ni Bathala't kakapanaghili
Tanggapin ang hamong may ngiti sa labi

Iyo mang lisanin ang pluma't kwaderno
Naryan ang hiwaga ng yong pagkatao

Terweena 2013 (Oct.


a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...