Thursday, December 5, 2013

SALAMAT, PAALAM

SALAMAT, PAALAM!

Habang nakatanaw sa dakong karimlan
Aking nabanaag ang kislot ng ilaw
Muli'y namataan saking balintataw
Ating kahapon, ating kabataan

Kaysaya ng gabi't ta'y humahagikhik
Kahit kapitbahay panay alumpihit
Sigawan,tilian sa ati'y marinig
Walang kabayaran at walang hihigit

Sa bawat pagkislot ng iyong balakang
Sanlibo'y tumawa sumakit ang tiyan
Sa bawat pilantik ng daliri't kamay
Sukli'y palakpakan kasabay ng tagay

Paboritong sayaw sa saliw ng kanta
Sa bawat pag-indak, kayas ng gitara
Musika'y lumaot at muling sumaya
Sa taas ng banko sandok ay ratsada

Kayraming tumawa sa angking talento
Lahat ay nagulat paghanga'y nabuo
Walang nagtanong sa yong pagkatao
Ikaw QUEEN SONIALYN ay taong totoo

At sa 'yong pagyao saan man paroon
Wagas na pag ibig ang aming pabaon
Pagdating sa langit ay iyong ibulong
Nawa ay marinig ang aming panaghoy

O Dyos ang "Yong" anak ngayo'y napariyan
Sana ay tanggapin sa "Iyong" kandungan
Sana'y wag malumbay ang mga naiwan
Salamat, paalam, ang ating isigaw!

terweena 2013(september 20)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...