Thursday, December 5, 2013

LUPIT NG KALIKASAN




 LUPIT NG KALIKASAN

Bakit nagngangalit ngayon ang paligid
Ang patak ng ulan mukhang kaytitinis
Ang tubig sa lupa ayun at giyagis
May gustong mamoong ilog saka batis

Nanago ang pipit tuliro ang isip
Tumitingin dito, tumingin sa gilid
Kaylungkot pagmasdan nangalbo ang bukid
Walang masulingan panaho'y masungit

Ang mga palaka'y natuwa't bumirit
Taliwas sa iba sa tubig ay galit
Mga paru-paro'y biglang tumalilis
Ang mga kulisap hayu't kumandirit

Sa talim ng kidlat kulog ay naumid
Ang duwag na puno sabay namilipit
Nagulat, humapay ang berdeng talahib
Mga paruparo'y humihibikhibik

Sa kislot ng lindol,ang tao'y nayanig
Bagyo at habagat, tsunaming malupit
Saan na susuling dumami ang yagit
Nawalan ng bubong nilupig ng lamig

Ang tao'y pasaway wala ng pag-ibig
Gahaman sa pera sa sala nabulid
Gulo doo't dito, sa ating daigdig
Haya't kalikasan ngayo'y humagupit

Halina, halina sa Dyos ay lumapit
Tumingin sa langit magdasal ng saglit
Ta'y magbagumbuhay biyaya'y makamit
Ugali'y baguhin, iba'y di madawit

Masungit, masungit panaho'y masungit
Di mo akalain ni sa panaginip
Tayo ay magbago langit di magalit
Ikaw, ako, tayo sa Kanya'y kumapit

terweena 2013 (Sept. 28)

Photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...