Minsan,
sumasagi ka sa aking alaala.
Ang mga simsim, may dalang saya.
Ngiti'y sumisilay sa labi ko
at gumagapang tungo sa dibdib,
sa aking pag-iisa.
Noon,
parang walang pagsidlan
ang kaligayahan.
Lumilipas ang mga oras
na hindi namamalayan,
at ang bawat saglit nito'y
may dalang lambingan.
Ngunit,
sandali pa't ito'y napalitan
ng mga salamisim,
at muli ang kay bigat
na paggising.
Subalit,
unti-unti'y
natuto rin akong
magpahalaga't
magmahal sa sarili,
Upang sa aking pagmulat
wala ng ulap
na nakatabing.
At kung buksan ko man
ang aking bintana,
hahayaan kong pumasok
ang sikat ng araw
upang tuluyan nang mabura
ang agiw ng
nakaraan.
Weeween Reyes 2017
Larawan: Google
No comments:
Post a Comment