Thursday, June 22, 2017

KAWAL

KAWAL

Mula bata
pangarap mong masoot
ang uniporme ni tatay,
kayat yapak nya'y iyong sinundan.
At narahuyo ka sa matatamis
na dilang naririnig sa paaralan.
Mga turong pilit pinapasok
sa inyong kamalayan.

Di kita makitaan ng bakas
ng takot kahit sinabi kong
peligrosong kurso
ang iyong naibigan.
Ngunit nakangiti kat binaliwala
ang aking agam-agam.
Para sa 'yo'y normal lang
na ipadala sa malayo
ang mga sundalong bagong silang.
Biruang ibabala sa kanyon
ang mga baguhan.

Ngunit
kaya ko kayang tanggapin
kung ikaw'y ibalik
sa aking medalya't
rekognasyon na lang?
Tila pangarap mo'y bangungot,
at wari'y tinuldukan mo na
ang haba ng iyong buhay.

Danga't di ko masaklawan
ang nais mong makatulong
sa inang bayan,
siguro'y iaalay na lang kitang
lubusan para madali kong matanggap
anuman ang iyong maging wakas,
MAGITING NA KAWAL.

At aking iiyakan
ang kumot mong bandila
kapag ikaw tuluyang gininaw.

Weeween Reyes 2017
Larawan: Google

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...