Monday, June 19, 2017

KAHAPON

Nakita kita sa malayo...
Ikaw 'yon, ang dati mong anyo.
Sinundan kita....
Hinawi ko ang hangin,
inunahan ko ang kidlat,
pati ang kulog aking pinatahimik.
Kahit ang araw, pilit kong itinago.
Ngunit tila mailap ang sandali.
Nawala ka sa aking paningin.
Hanggang sa umabot ako sa himpapawid.
Maulap! Lalong di kita mahanap.
Bigla akong tumigil.
Unti unti'y nagkaroong muli ng hugis
ang mga nabuong replekasyon mong
ikaw na ikaw.
hanggang sa makita ko
ang iba mong anyo,
ang iyong taas,
ang iyong mata,
ang iyong labi,
ang ilong mong kayang
ipasok ang isang buong kastilyo.
Hanggang mabuo sa aking balintataw
ang dating kabisado kong ikaw,
kahit laylayan lang ng iyong salawal
ay alam kong ikaw na ang dumaratal.
Hanggang sa ang nasuotan ko'y nagluluksa.
Gusto kong mabigla...
Nang aking uriratin,
ibang katawan ang nakahiga.
Hindi ikaw!
Upang muli'y ipagpatuloy ko
ang aking paghahanap....
Kung hanggang kailan ay di ko alam.
Ang mahalaga'y alam kong ikaw'y
patuloy pang humihinga...

"KAHAPON"

Weeween Reyes 2017 (June 19)
Photo: Google

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...