Patawad sa Kahapon
Hinanap kang muli sa aking kahapon
binuklat bahagya ang bawat pahina
ang patak ng hikbi ang saksing naroon
anino mo'y oda ang syang kapara.
Sandali'y tumigil ang aking orasan
upang nang tanawin bumalik sa noon
hanggang sa marating ang dating tipanan
may kirot na munti sa maling paglingon.
Ngunit di man sadya na ikaw'y iwanan
hinuha ko'y dahil ito ay tadhana
sa aking hinagap wala mang dahilan
kung dapat maganap akibat ay luha.
Pagkat ang pag-ibig minsan may hiwaga,
hindi man naisin may dalang pagluksa.
Weeween Reyes 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment