Thursday, February 14, 2019

KUNG PUTI NA AT BUNGI

Kung Puti na at Bungi

Kung kulay puti na ating mga buhok
at ating memorya ay pipiyok-piyok
kahit ating tuhod ay uugod-ugod
at ang mga ngipin ay nangagsihulog.

Kahit mga kamay tuluyang manginig
at ating daliri sulat pumapangit
kapag ating likod sa gabi'y may lamig
kulubot mang kamay, hagod nati'y init.

Kahit tay'y hukot na at kukuba-kuba
Kahit kapos na rin ating pag-unawa
Kung sintunado na ang bawat kataga
hayaang ang puso ang magsasalita.

At sa dapithapon kamay mo't kamay ko
Magkadaop-palad, hawak mo'y hawak ko.

Weeween Reyes 2019

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...