Thursday, February 14, 2019

Pula ang Puso




















Sabi'y kulay pula ang kulay ng puso
naglalalagablab, pag-irog, pagsuyo
ngunit bakit luha'y lasong gumugupo
kawaksi'y pasakit, awit ay hinampo.
Lunggati ng dibdib sana'y maging tapat
yakap ng pagsinta ay puno at sapat?
hangaring kay wagas salat sa paglingap
laging nananabik, laging naghahangad.
Umawit ka giliw ng tamang musika
upang ang gawaran may himig ng saya
lamyos ng haplos, may lambing na dala
tamis ng yong hagod may init at sigla.
Kung laman ng isip pag-ibig mutawi
kung ginto at wagas, may ngiti sa labi
Weeween 2019

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...