BAKIT MAY PAALAM?
Pighati'y kay hapdi ngayong may pumanaw
Tunog ng agunyas muling papalahaw
hungkag ang paligid, may pait, mapanglaw
kirot ay namahay sa mukha ay nanaw.
Tunog ng agunyas muling papalahaw
hungkag ang paligid, may pait, mapanglaw
kirot ay namahay sa mukha ay nanaw.
Uulit ang tanong, "ba't may yumayao?"
biglaang paghimlay "kailan at sino?"
mahirap, mayaman kung kani-kanino
sakit ay dadapo, dala'y magkatalo.
biglaang paghimlay "kailan at sino?"
mahirap, mayaman kung kani-kanino
sakit ay dadapo, dala'y magkatalo.
May lambing ang buhay, minsan nama'y hapis
at puno ng huwad, ng ngini't hinagpis
may lumbay na hatid, may kanais-nais
mundo'y may tanhaga huwag magmalabis.
at puno ng huwad, ng ngini't hinagpis
may lumbay na hatid, may kanais-nais
mundo'y may tanhaga huwag magmalabis.
Ang tao ay mortal, hininga'y hiniram
sa lupa'y babalik, kung hinga'y maparam.
sa lupa'y babalik, kung hinga'y maparam.
Weeween Reyes 2019
No comments:
Post a Comment