Sunday, February 3, 2019

RETRATO

· 












· 
Tinitigan kong maigi ang yong litrato.
Ang 'yong mga mata, ang 'yong ilong
na kalahati yata ng akin
sa 'yo namana't kalahati kay Ina
(kaya pala sumobra).
Minasdan ko rin ang yong pisngi,
ang hilaw na ngiti sa yong labi,
nangiti rin ako,
(ngunit may kasamang hikbi).
Nalulugod akong tingnan
ang maamo mong mukha.
Naalala ko ang yong kabaitan,
ang iyong pagkatining,
at ang tayo mong tayong-sundalo
kahit manipis ang yong katawan.
Nasa alaala ko pa tuwing Linggo
pag-uwi mo galing Marigondon Sur
kung saan ka nagtatrabaho,
maaga pa'y nakapamalengke ka na
upang magluto ng paborito kung
adobong bituka, tuwalya at libro-libro,
(Tawag sa amin ng laman loob)
pero di ko nasabi sa 'yo
na sobrang nasasarapan ako
sa luto mong iyon.
Hindi ko nasabi sa 'yong
ipinagmamalaki kitang ama ko,
kasi kay sipag at kay buti mo.
Tanda ko pa, pagkaluto mo'y
malinis na ang kusinang iyong iiwan
maghahain ka't tatawagin
kaming lahat upang dumulog sa
mahabang hapag-kainang
(palibhasa'y sampu kami)
iniisis pa pagkatapos kainan.
Ngunit paalala ng aming Ina,
huwag ka lang naming paghuhugasin
nang aming kinanan
at tyak maggegera-patani na.
Naalala ko rin kung gaano ka kaselan
nang mahuli mong may nakikaing kaanak
sa yong pulutan sa dating JAR Village,
ito'y iyong pinalitan.
(sa yo ko pala namana ang pagkaselan)
At sa aking gunita laging naririto
ka nakadambana sa aking puso kayo
ni Ina at ng aking dalwang kuya.
At sa tuwing makita ko ang lumang retrato
parang nababalik ako
sa panahong tayo'y magkakasama pa't buo.
Kayo ang aking nakaraan
natapos man ang kasalukuyan
mananatili sa aking puso hanggang sa hinaharap
at magpakaylanman
Weeween Reyes 201

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...