Monday, November 18, 2019
a morsel of my youth
A morsel of my Youth
(Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd
of Jose Rizal M. Reyes)
In a small town where I was born and grew
had happy memories with friends I knew
playing in the streets with some kids like me
and swimming along the river anew.
"Sweet Odiongan Rose" has a good harmony
a song we crooned stuck in my memory
a lovely hometown, a beautiful place
where youth was spent with excitement and glee
As we mirthfully play with sweating face
we ran and guffaw and enjoyed the race
while mother's deafening, earsplitting call
when the moon surfaced, her eyes with a gaze.
The fun, the euphoria when we were small
as I reminisce, I remember all.
Weeween 2019
3ft x 2 ft canvas
(acrylic)
from my FB friends album
(not my actual hometown)
Friday, November 8, 2019
langit sa lupa
Langit sa Lupa
Nang ibinigay mo ang langit sa lupa
Aming pinagyaman, butil ay pinunla
Mabubuting supling lubos pinagpala
Umusbong, lumago, sa ami'y nagmahal.
Aming pinagyaman, butil ay pinunla
Mabubuting supling lubos pinagpala
Umusbong, lumago, sa ami'y nagmahal.
Sa aking pagdasal usal ay salamat
Ang mga biyaya higit ay di hangad
Upang tayong lahat mabigyan ng sapat
At hindi lang ako ang anak ng Diyos.
Ang mga biyaya higit ay di hangad
Upang tayong lahat mabigyan ng sapat
At hindi lang ako ang anak ng Diyos.
Kay sarap nga nitong kay simpleng tahanan
Ang daladalahin sa diddib kay gaan
Isip ay tahimik halakhak dalisay
Di man humagikhik puso'y tumatawa
Ang daladalahin sa diddib kay gaan
Isip ay tahimik halakhak dalisay
Di man humagikhik puso'y tumatawa
Ang yamang salapi ay huwag hangarin
Upang ang langit ay madaling tawirin.
Upang ang langit ay madaling tawirin.
Weeween 2019
(one of my first, in acrylic)
(one of my first, in acrylic)
Thursday, October 10, 2019
kanina
Kanina
Ang kanina lang
na malasutlang ulap
na nahaluan ng tila
kay puputing bulak
na nagkalat
sa bubong ng mundo'y
biglang nagkulay abo.
Tarantang nagtago ang araw,
nakaramdam ng pighati
ang panganorin,
halos mapunit ang langit
sa talim ng kidlat
at galit ng kulog.
Biglang bumunghalit ang langit,
umulan ng mga pusa't aso!
na malasutlang ulap
na nahaluan ng tila
kay puputing bulak
na nagkalat
sa bubong ng mundo'y
biglang nagkulay abo.
Tarantang nagtago ang araw,
nakaramdam ng pighati
ang panganorin,
halos mapunit ang langit
sa talim ng kidlat
at galit ng kulog.
Biglang bumunghalit ang langit,
umulan ng mga pusa't aso!
Weeween 2019
Wednesday, October 9, 2019
two hearts
Two Hearts
The stillness of the dark, alluring night
enthralled the peaceful and enchanting sight
while her longing heart squealed with much delight
the moon hides shyly to conceal its light.
The twinkling bright stars illuminating,
not minding little creatures disturbing
a smack on her face reverberating
fair enough to cause a tingling feeling.
The sluggish black clouds covering the sky
giving a dreary mood, like a good spy
cooperating, no one can deny
as it adds romance, they can now reply.
Two hearts that beat and sing in unison,
without the other life will never bloom!
Weeween 2019
1 meter x 1 meter
idea: google
Monday, September 23, 2019
regalo
Repost
REGALO
(Ekprhastic poem)
(Ekprhastic poem)
Namangha s'ya sa nakasabit
na painting,
"FOR SALE",
ngunit nag-atubili s'yang bilhin,
"mahal"!
Nang kanyang balikan,
bakante na ang sinabitan.
na painting,
"FOR SALE",
ngunit nag-atubili s'yang bilhin,
"mahal"!
Nang kanyang balikan,
bakante na ang sinabitan.
Lumipas ang mga araw,
kaarawan na n'ya,
ngunit s'ya'y nalungkot,
regalo sana sa sarili
ang paboritong sunflower,
nang may kumatok sa kanyang kwarto
iniabot ng nanay nya'y
painting ng bulaklak na ibig.
"kunswelo de bobo"
Lalong naalala ang paiting
na gusto,
at mahina n'yang sinabi,
"salamat".
Ngunit s'ya'y napatda't
halos mapalundag sa iyak
nang ang tatay n'ya'y bumungad
dala ang pinakananais
n'yang regalo
ang pangarap n'yang kwadro!
kaarawan na n'ya,
ngunit s'ya'y nalungkot,
regalo sana sa sarili
ang paboritong sunflower,
nang may kumatok sa kanyang kwarto
iniabot ng nanay nya'y
painting ng bulaklak na ibig.
"kunswelo de bobo"
Lalong naalala ang paiting
na gusto,
at mahina n'yang sinabi,
"salamat".
Ngunit s'ya'y napatda't
halos mapalundag sa iyak
nang ang tatay n'ya'y bumungad
dala ang pinakananais
n'yang regalo
ang pangarap n'yang kwadro!
Nang mahimasmasan s'ya'y
saka n'ya napansin
ang pirma sa painting
"ween '18".
saka n'ya napansin
ang pirma sa painting
"ween '18".
Weeween 2018
Sunday, September 22, 2019
The Sun Sets But Rises Again
The Sun Sets but Rises Again
The minute tickling
sound of the sea breeze
huddles cheerfulness
to her longing senses,
gently whispering
hums of tenderness
and uttering words
of love and caress.
The coldness of the
salty seawater
touching her tired skin,
stroking together
like a chirapsia
in a kind weather,
while the sun shyly
begin to cover.
And the dazzling waves
now slowly dancing,
coming to and fro
like a swan giggling,
brushing off her tears
like a lad smiling
and kissing her face,
she's almost melting.
Like the setting sun,
tomorrow will bring
a warm beaming day,
a new beginning.
Weeween 2019
2-1/2 ft x 2 feet
Friday, September 20, 2019
ulan
ULAN
Inapuhap ng aking mga mata
ang yong pinagmulan,
mula sa tawag na langit.
Marahil, ikaw'y luha ng mga anghel,
o pawis ng mga bathala,
o dili kaya'y panghilamos ng mundo.
Ngunit may laya kang itikom
ang yong labi.
Ang mahalaga'y tuwa ka ng mga bata,
habang walang kapagurang nagtatampisaw,
at saya ng nagtatanim sa sabana.
Ngunit tuwina'y isa kang pait.
na kumukurot sa aking dibdib
upang lumuha.
Salamisim ka ng saya, lambing at dusa.
Ang mga alaala'y lumalakbay pabalik.
Noong kami'y lunod sa ligaya,
kasabay ng pagkandirit sa kalsada.
Kanlung-kanlong ng mga halakhak,
yakap ng lamig.
Habang nagsasalimbayan
ang mga gunitang pilit nilulusaw,
lumandas sa pisnging yayat ang mga butil,
kasabay sa palagaslas mo't naging ikaw.
Nabasa ang antipas.
Sana'y malunod din at maanod
ang masasaklap na salagimsim.
Nawa'y
ang aking paglaya
ang yong pinagmulan,
mula sa tawag na langit.
Marahil, ikaw'y luha ng mga anghel,
o pawis ng mga bathala,
o dili kaya'y panghilamos ng mundo.
Ngunit may laya kang itikom
ang yong labi.
Ang mahalaga'y tuwa ka ng mga bata,
habang walang kapagurang nagtatampisaw,
at saya ng nagtatanim sa sabana.
Ngunit tuwina'y isa kang pait.
na kumukurot sa aking dibdib
upang lumuha.
Salamisim ka ng saya, lambing at dusa.
Ang mga alaala'y lumalakbay pabalik.
Noong kami'y lunod sa ligaya,
kasabay ng pagkandirit sa kalsada.
Kanlung-kanlong ng mga halakhak,
yakap ng lamig.
Habang nagsasalimbayan
ang mga gunitang pilit nilulusaw,
lumandas sa pisnging yayat ang mga butil,
kasabay sa palagaslas mo't naging ikaw.
Nabasa ang antipas.
Sana'y malunod din at maanod
ang masasaklap na salagimsim.
Nawa'y
ang aking paglaya
Weeween 2017
halaw sa librong
Simsim at Salamisim
(Parnaso sa Kubo)
Larawan: hango sa google
halaw sa librong
Simsim at Salamisim
(Parnaso sa Kubo)
Larawan: hango sa google
Thursday, September 19, 2019
somewhere
SOMEWHERE
There's a place somewhere
in this world we live,
where serenity is scarce,
but where you can find
the calmness and tranquility
you've been long deprived.
A God-given space where
quietness resides.
Where you can find
the perfect environment
that your heart desires.
Its stillness
will bewilder our mind,
but its beauty and repose
will bring us to enchantment
a feeling of great delight,
under a spell
seems there's magic in it
a caress in our hearts.
Weeween 2019
Painting idea: Google
2 feet x 3 feet
Wednesday, September 11, 2019
Mag-aral
Para sa mga kabataan:
Mag-ral lang kayo. Mag enrol. Basta lagi lang present sa school, que me baon, que wala, importante yong nasa school kayo at nakanganga kay Sir o Ma'am, hindi lang ang bunganga kundi ngangers din ang utak para kahit papano may pumasok na kaalaman d'yan sa inyong mga kukute. Take down notes para may ma review kayo kapag may test o exam, kahit pakrokis krokis lang at kayo lang ang nakaintindi senyales lang yan na baka maging doktor kayo sa hinaharap, at least sanay na kayong basahin ang sarili nyong sulat na kahig-kahig. Aral lang ng aral. Pasok sa school araw-araw kahit ang nasa isip nyo ay para mabigyan lang ng baon ni Mommy o ni Daddy or worst makita si crush. Kapag nasa school na kayo malay nyo sa narinig nyong tinuturo ni Ma'am o Sir ay makabigay sa inyo ng kahit kunting interest at unti-unti ay magka interes din kayong makinig at makapasok sa dyutaks nyo ang mga bagong kaalaman.
Tandaan nyo ito, hindi sa grade nababase ang success ng isang individual. Hindi sa napakaraming medalya na sinabit ng lahat ng kamag-anak nyo sa inyong mga leeg at mga diplomang ang nakalagay ay pinakamataas na karangalan. Baka nga yong mga nasa row six noong araw at malapit sa trash can yon pa ang mga maging abogado at Eng'r o CPA pagdating ng araw o kung hindi man ay isang succsessfull businessman o nakapag abroad at nakaasawa ng foreiner o naging OFW at kahit kulang sa pinag aralan ay masinop sa pera. Baka nga ung laging walang baon at walang papel na "wan port" at pudpod ang lapis at nakangiti lagi ang sapatos ay syang pinakamayaman sa inyong batch in the future..
Gawin nyong inspirasyon ang kahirapan, gawing nyong bahagdan ang bawat gutom na inyong nararanasan, ang manaka-nakang pagbulung-bulong ng inyong tiyan, habang nakatitig sa mga kaklaseng mayayaman at kumakagat ng masasarap at magagara ang kagamitan. Ngunit wag matutong mainggit pagkat kapag nagsumikap higit pa dyan ang inyong maa achieve. Wag matutong umumit. Hindi yan sagot sa mga kakulangan. Magtiis kung ano ang meron. Mamaluktot habang maikli ang kumot.
Kayong mga nakaluluwag-luwag wag kayong pakaasa na lahat ng bagay nakukuha sa asa. Wag nyong isipin na porke't mayaman si "Papa" at "Mama" (mabilis ang bigkas) ay unli ang pera. Baka paggising nyo isang umaga kaagapay nyo na rin ang luha at naubos ang pera ng inyong mga magulang sa pagpapagamot nila (antanda) wag naman sana. Sana ang pamanang hindi mahingi, hindi mautang, hindi maibili ng mga luho at di kailaan mauubos, lalong hindi mananakaw ay inyong bigyan ng pansin at unahin at pahalagahan, afterall sino ang makikinabang nyan sa huli kung ikaw ay nakaag-aral. Ikaw rin di ba? Kapag nakapag-aral ka kahit saan ka dalhin ng iyong mga paa di ka basta basta maloko ng mga kausap mo o makakatransaction mo. At pag senuwerte makakakuha ka ng mas matinong trabaho.
Deskarte sa buhay ang importante at tiwala sa Diyos at yong katalinuhang na achieve nyo sa mga pinagdaanan nyo along the way at mga experiences na natutunan habang nagkukutkot kayo ng tutong at sinasawsaw sa mainit na kapeng walang asukal ay gamitin nyo sa tama at sa pagsisimula ng isang magandang bukas
Oh mga millennials challenge ito, ipakita nyo na tunay ngang magagaling ang mga bata sa ngayon kaysa noon.
The key word is "MAG-ARAL"
Weeween 2019
Monday, September 9, 2019
Kung Oras na
Kung Oras Na
At nauupos na ang katawang lupa
Parang lumuluhang may sinding kandila
Kinis may humulas di na alintana
Ang noong alindog ngayon ay nalanta.
Parang lumuluhang may sinding kandila
Kinis may humulas di na alintana
Ang noong alindog ngayon ay nalanta.
Kapag kumupas na ang ganda at bikas
Kapag binawi na ang kusog na likas
Kapag nanghina na't tila magwawakas
Ating kaluluwa'y kagyat ay aalpas.
Kapag binawi na ang kusog na likas
Kapag nanghina na't tila magwawakas
Ating kaluluwa'y kagyat ay aalpas.
Mapipigilan ba ang ating paglayag
Sa lagpas ng.mundo na syang naihayag
Sa banal na aklat nagbigay liwanag
Sa mga katanungang sa ati'y bagabag.
Sa lagpas ng.mundo na syang naihayag
Sa banal na aklat nagbigay liwanag
Sa mga katanungang sa ati'y bagabag.
At ang kayabanga'y ating isusuko
Lahat anong meron tiyak maglalaho
Kapag tinawag na lahat nating luho
Walang madadala kahit singkong hubo.
Lahat anong meron tiyak maglalaho
Kapag tinawag na lahat nating luho
Walang madadala kahit singkong hubo.
Sa Kanya'y haharap ng wala ng gilas
At bahag ang buntot at wala ng angas
Hubad na ang gara, ang bango, ang tikas
Isusukong lahat ang hiram at bukas.
.
At bahag ang buntot at wala ng angas
Hubad na ang gara, ang bango, ang tikas
Isusukong lahat ang hiram at bukas.
.
Weeween 2019
Nasaan ka?
Nasaan Ka?
Nasaan ang araw
noong kailangan ng buwan
ang kanyang liwanag?
noong kailangan ng buwan
ang kanyang liwanag?
Linamon ng karimlan
ang buong kapaligiran
mula rabaw ng mundo
ang buong kapaligiran
mula rabaw ng mundo
sinakluban lang ng ulap
upang bahagya'y mapagtakpan
ng ulan ang lumalandas na luha
upang bahagya'y mapagtakpan
ng ulan ang lumalandas na luha
upang ikubli ang alawas
na dulot ng di makalimutang
galmos ng kahapon
na dulot ng di makalimutang
galmos ng kahapon
ngunit lahat ay may katapusan
at ang unos ay natatapos
at muling iluluwa ang buwan
at ang unos ay natatapos
at muling iluluwa ang buwan
habang ang pagluluksa'y
tuluyang magwakas at mailibing
ang nakaraan kasama ang poot
tuluyang magwakas at mailibing
ang nakaraan kasama ang poot
ang agunyas ng lumipas
ay isang tugtuging
di na muling maririnig.
ay isang tugtuging
di na muling maririnig.
Weeween 2019
Friday, August 30, 2019
Palalayain na Kita
Palalayain na Kita
Kung hindi ka na masaya,
ano pa ang saysay
na kapiling ka
wala na ang mga ngiting
dati'y kay ligaya,
wala na ang lambing
na sa aki'y nagpapasaya
na kapiling ka
wala na ang mga ngiting
dati'y kay ligaya,
wala na ang lambing
na sa aki'y nagpapasaya
Kung hindi ka na masaya
aanhin ang bukas
na kasama ka
kung bawat mong tulog
bangungot ang kapara
aanhin ang mga paghihintay
kung wala ng sarap ang hain sa mesa?
na kasama ka
kung bawat mong tulog
bangungot ang kapara
aanhin ang mga paghihintay
kung wala ng sarap ang hain sa mesa?
ah wala na ring tamis
ang bawat paggising
at ang dating umaga'y
mistulang binging libing
at bawat dantay ng kamay
bangkay sa lamig na rin
ang bawat paggising
at ang dating umaga'y
mistulang binging libing
at bawat dantay ng kamay
bangkay sa lamig na rin
Kung hindi ka na masaya
palalayain na kita!
palalayain na kita!
Weeween 2019
(photo credits to the owner)
(photo credits to the owner)
Sana'y Matagpuan na Kita
Sana'y matagpuan na kita
Hinanap kita
sa parang, sa dawagan,
sa ilog, sa batis, sa karagatan.
Alam kong ikaw'y pinanghihinaan
at pilit lahat tinatakasan,
kayat kinapa ko ang karimlan
hinawi ang mga bituin
hinanap ang buwan
baka ikaw
nakikipaghutahan lamang.
Ito'y pagbakasakali.
sa parang, sa dawagan,
sa ilog, sa batis, sa karagatan.
Alam kong ikaw'y pinanghihinaan
at pilit lahat tinatakasan,
kayat kinapa ko ang karimlan
hinawi ang mga bituin
hinanap ang buwan
baka ikaw
nakikipaghutahan lamang.
Ito'y pagbakasakali.
Gaano na nga ba katagal
mulang s'ya'y nawalang parang bula?
Hudyat upang mundo mo'y
unti-unting matulala,
puso'y magitla
at manimdim ng lubha,
habang ang mga ngiti'y
nawalan ng buhay
at ang mga pangarap ay mamatay.
Tila ka kandilang nalusaw,
nakaranas ng ginaw,
kayakap ang mga hikbi
sa puyat na magdamag
habang lukot ang mugtong mga mata.
mulang s'ya'y nawalang parang bula?
Hudyat upang mundo mo'y
unti-unting matulala,
puso'y magitla
at manimdim ng lubha,
habang ang mga ngiti'y
nawalan ng buhay
at ang mga pangarap ay mamatay.
Tila ka kandilang nalusaw,
nakaranas ng ginaw,
kayakap ang mga hikbi
sa puyat na magdamag
habang lukot ang mugtong mga mata.
Ngunit bawat bangungot may wakas
sa muling pagmulat sarili'y mahanap!
sa muling pagmulat sarili'y mahanap!
Weeween 2019
(photo credits to the owner)
(photo credits to the owner)
luksa
Luksa
Hinilamos ng luha
ang masalimoot na alaala
upang lunurin
ang mga nakabaong hinagpis
sa muni't alimutaw
ngunit
tila nakadikit
sa kaibuturan ng dibdib
ang danas na siphayo
noong musmos pa ang puso't
di pa marunong tumanggap
ng dusa't pasakit
Kailan malilibing ang kahapon?
Weeween 2019
(photo credits to the owner)
Thursday, August 29, 2019
Hinubog Lang Kita
Hinubog lang kita
Hinulma kita sa aking.balintataw,
binuo ang pagkatao, nilagyan
ng mukha, ilong, ng mata
ng labi, ng tangkad,
kulay at talino.
Ginawa ko
ring
matikas,
at matipuno
ang katawan mo,
dinagdagan ng kinis
ang kutis at mala Adonis
at ang kabuoang ibig at gusto.
At sinimulan kong mangarap
na ikaw'y maging totoo.
ngunit nakalimutan
kitang lagyan
ng puso...
binuo ang pagkatao, nilagyan
ng mukha, ilong, ng mata
ng labi, ng tangkad,
kulay at talino.
Ginawa ko
ring
matikas,
at matipuno
ang katawan mo,
dinagdagan ng kinis
ang kutis at mala Adonis
at ang kabuoang ibig at gusto.
At sinimulan kong mangarap
na ikaw'y maging totoo.
ngunit nakalimutan
kitang lagyan
ng puso...
Weeween 2019
(photo credits to the owner)
(photo credits to the owner)
Wednesday, August 28, 2019
Minsang Nagmuni-muni
Minsang Nagmuni-muni
Sinusulyapan ko ang rabaw ng mundo.
ngunit nakaharang ulap na maitim
Hagip ko'y naumid paano ba ito
Kung bawat kong tingin pala ay madilim.
ngunit nakaharang ulap na maitim
Hagip ko'y naumid paano ba ito
Kung bawat kong tingin pala ay madilim.
At ang salipawpaw bumasag sa timik
sa himpapawiring parang mga ibon
nang aking pagmasdan ako'y napaimik
kay timyas tanawin, masdan mo't magayon!
sa himpapawiring parang mga ibon
nang aking pagmasdan ako'y napaimik
kay timyas tanawin, masdan mo't magayon!
Ngunit aking masid ninakaw ang pansin
bawat mga hugis na paiba-iba
Nitong kalangitang aliw sa pangingin
Sari-saring kulay sa mata'y kayganda
bawat mga hugis na paiba-iba
Nitong kalangitang aliw sa pangingin
Sari-saring kulay sa mata'y kayganda
D'yos ang tanging dahil, ang S'yang may akda
nitong sanlibutang tinamasang ganap
ngunit inabuso ng tao at madla
paano ang bukas, sinong maghihirap?
nitong sanlibutang tinamasang ganap
ngunit inabuso ng tao at madla
paano ang bukas, sinong maghihirap?
Nahihiyang araw bigla ay sumilay
at sagot sa tanong sa muni kong lihis
pagkat sa karimlan sisikat kukulay
Daigdig ay bilog ikot ay kaybilis
at sagot sa tanong sa muni kong lihis
pagkat sa karimlan sisikat kukulay
Daigdig ay bilog ikot ay kaybilis
Minsan lang ang buhay at pagkakataon
na tayo'y sinilang, dito'y maglimayon.
na tayo'y sinilang, dito'y maglimayon.
Weween 2019
Tuesday, August 27, 2019
Itay
Itay
Nabuklat kong muli ang mga nilumot
na tulang kung bakit ubod namang lungkot
aking kalooban uli'y nagkukukot
habang itong dibdib may hapis at kurot.
na tulang kung bakit ubod namang lungkot
aking kalooban uli'y nagkukukot
habang itong dibdib may hapis at kurot.
Nang ikaw'y lumisan ng agad at bigla
kala'y pumikit sa tulog na kayhaba
ngunit Itay dapwa't kami ay tulala
nang ikaw'y pumanaw, tiwasay't, payapa.
kala'y pumikit sa tulog na kayhaba
ngunit Itay dapwa't kami ay tulala
nang ikaw'y pumanaw, tiwasay't, payapa.
Sapagkat marahil almusal mo'y dasal
at pasasalamat kasunod na usal
buhay mong nilakbay pagod man at pagal
ay may kabuluhan, may uri at dangal.
at pasasalamat kasunod na usal
buhay mong nilakbay pagod man at pagal
ay may kabuluhan, may uri at dangal.
Salamat din Itay sa mga ehemplo
sa kabutihan mo't pagkamakatao
ladlad ng palad mong may ngiting totoo
ang karunungan mo'y inani ng ulo.
sa kabutihan mo't pagkamakatao
ladlad ng palad mong may ngiting totoo
ang karunungan mo'y inani ng ulo.
May hapdi at lumbay ang maging ulila
uhaw sa yakap mo't iyong pagkalinga
kayhirap pigilin tahimik na luha,
may hibik at tangis, pighati at luksa.
uhaw sa yakap mo't iyong pagkalinga
kayhirap pigilin tahimik na luha,
may hibik at tangis, pighati at luksa.
Hamo aking Itay kahit mag-ulyanin
aming mga puso sigaw ay mahalin
ikaw at si Inay ay di lilimutin,
aming dal'wang kuyang kapiling nyo na rin.
aming mga puso sigaw ay mahalin
ikaw at si Inay ay di lilimutin,
aming dal'wang kuyang kapiling nyo na rin.
Weeween 2019
Friday, August 23, 2019
Antipara
ANTIPARA
Hanap-hanap kita't oras kay halaga
ramdam ko'y nand'yan ka't tila natatawa
di ka mahagilap ng luwa kong mata
paroo't parito sa kwarto at sala.
ramdam ko'y nand'yan ka't tila natatawa
di ka mahagilap ng luwa kong mata
paroo't parito sa kwarto at sala.
Ngunit sa salamin may biglang umirap
naku nama't ako'y todo ang paghanap
sa leeg ng damit may sukbit sa harap
ano't di umimik, aba'y oh, kay hirap!
naku nama't ako'y todo ang paghanap
sa leeg ng damit may sukbit sa harap
ano't di umimik, aba'y oh, kay hirap!
Kahit may bisita bigla'y mataranta
at hindi matanaw saan naglakwatsa
pa'no mababasa ang sulat na dala
sulyap dito't doon ay nakaloloka.
at hindi matanaw saan naglakwatsa
pa'no mababasa ang sulat na dala
sulyap dito't doon ay nakaloloka.
Ano ang problema aking kaibigan
bakit tila yata mukha mo'y talunan
aligaga ka pa't walang kapaguran
lakad mo'y kay bilis at padaan-daan?
bakit tila yata mukha mo'y talunan
aligaga ka pa't walang kapaguran
lakad mo'y kay bilis at padaan-daan?
Aking antipara'y ayaw magpakita
sakit na ang ulo't gusto kong ngumawa
biglang napahawak sa ulo'y nakapa
O Dios, ito pala't limot ko'y kay lala!
sakit na ang ulo't gusto kong ngumawa
biglang napahawak sa ulo'y nakapa
O Dios, ito pala't limot ko'y kay lala!
Weeween 2019
Thursday, August 22, 2019
Biyenang Babae
Biyenang Babae (Byanan)
(para sa yo ang tulang ito kaibigan)
(para sa yo ang tulang ito kaibigan)
Bakit bansag sa yo'y isang kontabida
magulo, masungit, pakialamera
mula pa sa nuno, sa lolo't sa lola
manyapa't sa buhay isang beterana.
magulo, masungit, pakialamera
mula pa sa nuno, sa lolo't sa lola
manyapa't sa buhay isang beterana.
Nilang bukambibig ulo'y mainitin
babaeng kaagaw higit ay mahalin
ina ng mahal mo ay nanay mo na rin
sa mata ng Diyos sa tao'y gayundin.
babaeng kaagaw higit ay mahalin
ina ng mahal mo ay nanay mo na rin
sa mata ng Diyos sa tao'y gayundin.
Suko hanggang langit ng tikman ang husga
pagkat nais lamang anak di magdusa
anuman ang bagsik kapag lumapit na
patawad igawad tulad ng yong ina.
pagkat nais lamang anak di magdusa
anuman ang bagsik kapag lumapit na
patawad igawad tulad ng yong ina.
Ba't sintigas wari ng bato ang puso
minsang nagkamali alab ay pumaso
ang ningas ng angas kung wala ng bugso
ng galit sa dibdib palitan ng suyo.
minsang nagkamali alab ay pumaso
ang ningas ng angas kung wala ng bugso
ng galit sa dibdib palitan ng suyo.
Manugang kang turing sa bisa ng kasal
kabiyak ng dibdib, asawa kang ligal
yama't pinag-isa ikaw at ng mahal
dapat igalang ang nagsilang nagluwal.
kabiyak ng dibdib, asawa kang ligal
yama't pinag-isa ikaw at ng mahal
dapat igalang ang nagsilang nagluwal.
Ba't para kang reyna na wala mang trono
kung makaasta ka'y may-ari ng mundo?
Pamana'y inangkin, tahana'y ginulo
nag-aastang bida, nawalan ng modo.
kung makaasta ka'y may-ari ng mundo?
Pamana'y inangkin, tahana'y ginulo
nag-aastang bida, nawalan ng modo.
Wag kang kasing hangal baka ay magising
wagas na damdamin mamatay ang lambing
sa awa sa ina ikaw ay ituring
tulad ng bituing nawalan ng nigning!
wagas na damdamin mamatay ang lambing
sa awa sa ina ikaw ay ituring
tulad ng bituing nawalan ng nigning!
Weeween 2019
Photo credits to the owner
Photo credits to the owner
Wednesday, August 21, 2019
Sa Pagbabalik ng Tula
Sa Pagbabalik ng Tula
Sinundan kang pilit ng aking paningin
sinabayan nito ang mahinhing hangin
kumaway sa bundok at mga kaingin
hinawi ang ulap sa himpapawirin.
sinabayan nito ang mahinhing hangin
kumaway sa bundok at mga kaingin
hinawi ang ulap sa himpapawirin.
Habang patuloy sa dagling pag-imbulog
pilit pang dinukwang ang sapa at ilog
matalim na kidlat umiwas sa kulog
upang walang sagwil itong mundong bilog.
pilit pang dinukwang ang sapa at ilog
matalim na kidlat umiwas sa kulog
upang walang sagwil itong mundong bilog.
Kayat nakamasid aking mga maslok
sa mga bituin na nangagyukayok
na nagniningningan sa gabi'y di hadlok
wari'y nangaghintay habang nakatumpok.
sa mga bituin na nangagyukayok
na nagniningningan sa gabi'y di hadlok
wari'y nangaghintay habang nakatumpok.
Upang isa-isa silang pipitasin
parang abaloryo itong tutuhugin
upang gawing kwentas aking ihahain
sa mahal kong mutyang tila matampuhin
parang abaloryo itong tutuhugin
upang gawing kwentas aking ihahain
sa mahal kong mutyang tila matampuhin
At gawing pabitin ang buwang gasuklay
upang sa hinampo'y may ngiting sisilay
upang sa hinampo'y may ngiting sisilay
Weeween 2019
Photo credits to the owner
Photo credits to the owner
Bahala na si Lord
Bahala na si "Lord"
"Hinahanap" kita, sa ritmo ng alon
sa saliw ng hanging dala ay hinahon
sa bughaw na ulap sa tampok ng bunton
sa rabaw ng mundo hagap ko'y naroon
habang umaasang sana ay mapansin.
sa saliw ng hanging dala ay hinahon
sa bughaw na ulap sa tampok ng bunton
sa rabaw ng mundo hagap ko'y naroon
habang umaasang sana ay mapansin.
"Hinahanap kita", sa batis, sa bangin,
dagat, karagatan ninasang tawirin
sa dampi ng lamig sa aki'y umangkin
hibik ng puso ko lamang ay ibigin
habang may hininga't paa ko'y di tuwid.
dagat, karagatan ninasang tawirin
sa dampi ng lamig sa aki'y umangkin
hibik ng puso ko lamang ay ibigin
habang may hininga't paa ko'y di tuwid.
"Hinahanap kita", sa dawag, sa bukid
sa mga bulaklak, katuray sa ligid
parang na tiwangwang,lupa mang namanhid
pagal kong himaymay sa halhal na sigid
dantay mo'y kalabog sa dibdib kong tigam.
sa mga bulaklak, katuray sa ligid
parang na tiwangwang,lupa mang namanhid
pagal kong himaymay sa halhal na sigid
dantay mo'y kalabog sa dibdib kong tigam.
"Hinahanap kita", pagibik ay ramdam
nilunod ng hikbi sa luha ay hilam
ng ulilang gabing may nasa at takam
uhaw na magdamag sa buwang malamlam
nang gabi'y magmaliw, umaga'y maniil.
nilunod ng hikbi sa luha ay hilam
ng ulilang gabing may nasa at takam
uhaw na magdamag sa buwang malamlam
nang gabi'y magmaliw, umaga'y maniil.
"Di ka hahanapin" laya na marahil
sa mga pangarap kong gising at sutil
upang sa pagmulat pagduhagi't siil
higit ang patawad kahit di maningil
May awa ang Diyos, buhay ma'y maalon.
sa mga pangarap kong gising at sutil
upang sa pagmulat pagduhagi't siil
higit ang patawad kahit di maningil
May awa ang Diyos, buhay ma'y maalon.
Friday, August 9, 2019
bawang kontra lamok
Bawang Kotra Lamok
Nasalubong ko sa facebook i share ko sana nawala, di ko na mahanap haha ginaya ko na lang malay mo effective ... Puhunan mo lang isang butil ng bawang tuhugin sa toothpick at empty bottle lagyan ng water at naka sawsaw ung bawang sa water. Lalayas daw mga lamok. Nothing to lose malay mo may gain haha... ibig ko tuloy maniwala na ang lamok kamag-anak ng aswang :-)yong tubig siguro ang magpapahaba sa buhay ng bawang kaya dapat nakasawsaw ang isang dulo. pinutulan ko rin ang both ends para sumingaw ang amoy at yung nakasawsaw makasipsip ng water. change water once a week
Nasalubong ko sa facebook i share ko sana nawala, di ko na mahanap haha ginaya ko na lang malay mo effective ... Puhunan mo lang isang butil ng bawang tuhugin sa toothpick at empty bottle lagyan ng water at naka sawsaw ung bawang sa water. Lalayas daw mga lamok. Nothing to lose malay mo may gain haha... ibig ko tuloy maniwala na ang lamok kamag-anak ng aswang :-)yong tubig siguro ang magpapahaba sa buhay ng bawang kaya dapat nakasawsaw ang isang dulo. pinutulan ko rin ang both ends para sumingaw ang amoy at yung nakasawsaw makasipsip ng water. change water once a week
Monday, July 29, 2019
Ngumiti ang Langit
Ngumiti ang Langit
Sa lilim ng puting puno
papandungan nito ating mga puso
upang laging magkayakap, magkasuyo
pag-ibig ay di maglalaho.
Sa ilalim ng puno'y ipagkakasya
itatanim natin ang mga alaala
upang lalong yumabong at dumami pa
uusbong, bubunga ng higit na saya.
Ugat nito'y ating pahahabain
ibabaon ng malalim at palalakihin
at ang pagsinta'y palalawakin
ikaw, ako, tayo, laban ito natin.
Kahit bituin at tala'y naghagikhikan
at nakasilip ang maliit na buwan
sa siwang ng malasutlang ulap, ayan,
nakikinood, nakikiamot sa kaligayahan.
Habang ang panganorin ay nakatanghod
sa tuwa ay naghasik ng hamog
kayat ang puting puno'y kay alindog
nakangiti ang langit, kumakaway ang Diyos!
Weeween 2019
frame: 1 meter x 1 meter
papandungan nito ating mga puso
upang laging magkayakap, magkasuyo
pag-ibig ay di maglalaho.
Sa ilalim ng puno'y ipagkakasya
itatanim natin ang mga alaala
upang lalong yumabong at dumami pa
uusbong, bubunga ng higit na saya.
Ugat nito'y ating pahahabain
ibabaon ng malalim at palalakihin
at ang pagsinta'y palalawakin
ikaw, ako, tayo, laban ito natin.
Kahit bituin at tala'y naghagikhikan
at nakasilip ang maliit na buwan
sa siwang ng malasutlang ulap, ayan,
nakikinood, nakikiamot sa kaligayahan.
Habang ang panganorin ay nakatanghod
sa tuwa ay naghasik ng hamog
kayat ang puting puno'y kay alindog
nakangiti ang langit, kumakaway ang Diyos!
Weeween 2019
frame: 1 meter x 1 meter
Subscribe to:
Posts (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...