Friday, August 30, 2019

Sana'y Matagpuan na Kita




Sana'y matagpuan na kita
Hinanap kita
sa parang, sa dawagan,
sa ilog, sa batis, sa karagatan.
Alam kong ikaw'y pinanghihinaan
at pilit lahat tinatakasan,
kayat kinapa ko ang karimlan
hinawi ang mga bituin 
hinanap ang buwan 
baka ikaw 
nakikipaghutahan lamang.
Ito'y pagbakasakali.
Gaano na nga ba katagal
mulang s'ya'y nawalang parang bula?
Hudyat upang mundo mo'y 
unti-unting matulala,
puso'y magitla
at manimdim ng lubha,
habang ang mga ngiti'y 
nawalan ng buhay
at ang mga pangarap ay mamatay.
Tila ka kandilang nalusaw,
nakaranas ng ginaw,
kayakap ang mga hikbi
sa puyat na magdamag
habang lukot ang mugtong mga mata.
Ngunit bawat bangungot may wakas
sa muling pagmulat sarili'y mahanap!
Weeween 2019
(photo credits to the owner)

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...