Wednesday, September 11, 2019

Mag-aral





Para sa mga kabataan:
Mag-ral lang kayo. Mag enrol. Basta lagi lang present sa school, que me baon, que wala, importante yong nasa school kayo at nakanganga kay Sir o Ma'am, hindi lang ang bunganga kundi ngangers din ang utak para kahit papano may pumasok na kaalaman d'yan sa inyong mga kukute. Take down notes para may ma review kayo kapag may test o exam, kahit pakrokis krokis lang at kayo lang ang nakaintindi senyales lang yan na baka maging doktor kayo sa hinaharap, at least sanay na kayong basahin ang sarili nyong sulat na kahig-kahig. Aral lang ng aral. Pasok sa school araw-araw kahit ang nasa isip nyo ay para mabigyan lang ng baon ni Mommy o ni Daddy or worst makita si crush. Kapag nasa school na kayo malay nyo sa narinig nyong tinuturo ni Ma'am o Sir ay makabigay sa inyo ng kahit kunting interest at unti-unti ay magka interes din kayong makinig at makapasok sa dyutaks nyo ang mga bagong kaalaman.
Tandaan nyo ito, hindi sa grade nababase ang success ng isang individual. Hindi sa napakaraming medalya na sinabit ng lahat ng kamag-anak nyo sa inyong mga leeg at mga diplomang ang nakalagay ay pinakamataas na karangalan. Baka nga yong mga nasa row six noong araw at malapit sa trash can yon pa ang mga maging abogado at Eng'r o CPA pagdating ng araw o kung hindi man ay isang succsessfull businessman o nakapag abroad at nakaasawa ng foreiner o naging OFW at kahit kulang sa pinag aralan ay masinop sa pera. Baka nga ung laging walang baon at walang papel na "wan port" at pudpod ang lapis at nakangiti lagi ang sapatos ay syang pinakamayaman sa inyong batch in the future..
Gawin nyong inspirasyon ang kahirapan, gawing nyong bahagdan ang bawat gutom na inyong nararanasan, ang manaka-nakang pagbulung-bulong ng inyong tiyan, habang nakatitig sa mga kaklaseng mayayaman at kumakagat ng masasarap at magagara ang kagamitan. Ngunit wag matutong mainggit pagkat kapag nagsumikap higit pa dyan ang inyong maa achieve. Wag matutong umumit. Hindi yan sagot sa mga kakulangan. Magtiis kung ano ang meron. Mamaluktot habang maikli ang kumot.
Kayong mga nakaluluwag-luwag wag kayong pakaasa na lahat ng bagay nakukuha sa asa. Wag nyong isipin na porke't mayaman si "Papa" at "Mama" (mabilis ang bigkas) ay unli ang pera. Baka paggising nyo isang umaga kaagapay nyo na rin ang luha at naubos ang pera ng inyong mga magulang sa pagpapagamot nila (antanda) wag naman sana. Sana ang pamanang hindi mahingi, hindi mautang, hindi maibili ng mga luho at di kailaan mauubos, lalong hindi mananakaw ay inyong bigyan ng pansin at unahin at pahalagahan, afterall sino ang makikinabang nyan sa huli kung ikaw ay nakaag-aral. Ikaw rin di ba? Kapag nakapag-aral ka kahit saan ka dalhin ng iyong mga paa di ka basta basta maloko ng mga kausap mo o makakatransaction mo. At pag senuwerte makakakuha ka ng mas matinong trabaho.
Deskarte sa buhay ang importante at tiwala sa Diyos at yong katalinuhang na achieve nyo sa mga pinagdaanan nyo along the way at mga experiences na natutunan habang nagkukutkot kayo ng tutong at sinasawsaw sa mainit na kapeng walang asukal ay gamitin nyo sa tama at sa pagsisimula ng isang magandang bukas
Oh mga millennials challenge ito, ipakita nyo na tunay ngang magagaling ang mga bata sa ngayon kaysa noon.
The key word is "MAG-ARAL"
Weeween 2019

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...