Monday, September 9, 2019

Kung Oras na




Kung Oras Na
At nauupos na ang katawang lupa
Parang lumuluhang may sinding kandila
Kinis may humulas di na alintana
Ang noong alindog ngayon ay nalanta.
Kapag kumupas na ang ganda at bikas
Kapag binawi na ang kusog na likas
Kapag nanghina na't tila magwawakas
Ating kaluluwa'y kagyat ay aalpas.
Mapipigilan ba ang ating paglayag
Sa lagpas ng.mundo na syang naihayag
Sa banal na aklat nagbigay liwanag
Sa mga katanungang sa ati'y bagabag.
At ang kayabanga'y ating isusuko
Lahat anong meron tiyak maglalaho
Kapag tinawag na lahat nating luho
Walang madadala kahit singkong hubo.
Sa Kanya'y haharap ng wala ng gilas
At bahag ang buntot at wala ng angas
Hubad na ang gara, ang bango, ang tikas
Isusukong lahat ang hiram at bukas.
.
Weeween 2019

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...