Friday, March 8, 2019

Minsan May Kahapon











Minsan May Kahapon

Malayo ka pa ngunit
abot nang aking tanaw
ang nakangiti mong labi.
Habang papalapit, masid na rin
ang ngipin mong mapuputi
Nakiliti akong palihim
Pigil ang pag-amin
Nang magtama ang ating paningin
Mata mo't mata ko'y tila mahiyain.
Bahagya pa rin ang aking sukli
Nagniningning ang mabibilog mong
mata't tila may pinapahiwatig
Pumiksi ako't may ibig ikubli
Tumingin kang muli .
Ngunit mabini ko itong tinanggihan
at ako sa iba, kunwari'y nalibang.
Ngunit di ka naduhagi,
sinundan mo ako't kinausap sandali
"Pwede bang sa iyo'y sumabay?"
Nalinlang man kita ng aking mga labi
Ngunit ang mga mata ko'y
ipinagkanulo akong pilit
Sa tinging kay lalagkit
pagkukunwari ko'y di ko maiwaksi
bumigay na rin ang hapyaw kong ngiti'
kahit ibig ko mang itanggi.
Hanggang sa naging kay tamis,
naging wagas , naging bukal.
Noon yon, nang akala ko'y
ang mundo ko'y ikaw..

Nang mapatanaw ako sa langit
nakangisi na naman ang buwang maliit,
ako'y napangiti't may naalalang saglit,
tila ang labi mong noon sa aki'y nagpakilig

Weeween Reyes 2019

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...