Wednesday, March 13, 2019

Tala



















Sa gabing marikit ikaw'y tinatanaw
ang iyong dagitab kay kislap ng ilaw
wangis mo'y bituin sa dilim ay tanglaw
kapagka wala ka puso ko'y mapanglaw.
Kung aking talukap kay hirap umidlip
ikaw paraluman aking iniisip
kaysarap ng tulog payapa ang isip
sa aking paghimlay ikaw'y panaginip.
Matimyas kong giliw kapag tinatawag
piping nakatunghay sa buong magdamag
yakap mong kay higpit, sintamis oh, liyag!
ang kahinahunan agad ay pipitlag.
Sa pisngi ng langit may ngiting sisilay
sikat nitong araw liwanag ay taglay.
Weeween Reyes 2019
photo credits to the owner

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...