Saturday, March 16, 2019

Ang Mundong Pangarap


Ang mundong Pangarap
(Ekphrastic poem)

Ang nais kong mundo kay timyas at timik
kayakap ay tuwa, ngisngis at hagikhik
pandong ay unawa, sa aral ay hitik
walang panimbuso ni paghihimagsik.

Ang nais kong mundo muslak ang palibot
malamyos ang akbay ngiti'y suot-suot
haplos ay malambing isip ay di takot
magiliw ang bati sa puso'y nunoot

Sa bago kung mundo ang galit, ang hapis,
ay walang espasyo, kahit ang hinagpis,
ang bagong daigdig na sakdal ng tamis
na aking pangarap, na aking ninais.

Ito ang ibig ko, mundo ng pag-ibig
payapa, may langit, pantasyang daigdig!

Weeween Reyes 2019

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...