Friday, August 4, 2017

TAHI-TAHING PANGARAP

TAHI-TAHING PANGARAP
www.weenweenreyes.blogspot.com

Gusto kong angkinin ang araw at langit
at ang bahaghari'y maging duyang saglit.
Tayo'y maglalakbay, daa'y panaginip,
at sa alapaap bumuong pag-ibig.

Ialay na kwintas ang mga bituin,
kaygandang palawit ay buwang maningning.
Gintong bulalakaw ang gagawing singsing,
higanteng buntala, pulseras ng giliw.

Tayo'y lalambitin sa guhit tagpuan,
upang abot-tanaw ating Amang mahal.
At baka sakaling taimtim na dasal,
kapagka nahabag, ang anghel lilitaw.

Sana kahit minsan itong bulaylay,
pangarap mang gising maging totohanan.

Weeween Reyes 2017
Larawan: Google

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...