Sunday, August 13, 2017

OH, PAG-IBIG!

OH, PAG-IBIG!
www.weenweenreyes.blogspot.com

Oh, buwang marikit, kaibigang hirang!
Ang samo ko sa 'yo nawa ay pakinggan.
Puso'y tumitibok, di na mapigilan;
Tanging isang dilag itong kasagutan.

Wari ay nabihag ng ngiting kaytamis;
Noong masilayan, nahaling nang labis.
Hindi na maawat, pagkat kinikilig;
Kusang pumipitlag yaring nasa dibdib.

Halina at ako'y samahang dumalaw;
Minsan isang gabing iyong kabilugan.
Habang hinahandog ang wagas kong pakay;
Ang hiram mong sinag, ilaw naming tanglaw.

Nang kanyang mabatid taos kong pagsinta;
Nawa'y matugunan marubdob kong pita!

Weeween Reyes 2017
Larawan: google


No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...