Thursday, August 24, 2017

HALINDIOG

HALINDIOG
www.weenweenreyes.blogspot.com

Una, pangalawa, pangatlo'y nalagot.
Ang madla'y napatda, noo'y nangagngunot
Nasaksihang tagpo ay kalunos-lunos,
napuyog sa luha't lugami sa takot.

Ang katotohanang inukit ng dugo,
dagli'y sumambulat lihim na hinampo.
Isang kasaysayang muling magpakulo
Bubulwak ang init, liyab nya ay sugo.

Kahimanawaring tingin ay luminaw.
Mga pipi't bingi sa mga palahaw.
Bawat alingawngaw katumbas ay buhay.
Oh! Inang bayan ko. Sinong susulingan?

At muling babalik multo ng kahapon.
Kaluluwang buhay muli ay babangon!

Weeween Reyes 2017
Larawan: Google

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...