"A THING OF BEAUTY IS A JOY FOREVER" John Keats
(Salamin, salamin, sino ang mas maganda sa amin?)

🤣Ang di magbasa't maniwala, ganda'y dagling mawala't madaling tatanda😆
Minsan nakakatangos ng ilong kapag may nagtatanong sa atin... "bakit di ka tumatanda"? Totoo man o hindi ay nakasisiya sa kalooban. Minsan may nakadaupang palad ako sa UP. Habang nakaupo ako sa banko, may nakipaghuntahan sa aking babae na kalahati lang ata ng idad ko ang gulang. Nakatataba ng puso ang kanyang tinuran. Ang sabi nya sa akin ..."sana po pag idad ko na kayo, ganyan din ako sa inyo" Sinuklian ko lang sya ng ngiti, though medyo nag-isip ako at baka binobola lang ako nang katabi ko dahil nabuburaot na sa paghintay sa kasama
Paano nga ba mapapanatili ang kagandahan o paano maiiwasang maging losyang agad ang ina ng tahanan? Hindi kaila na ang babae o ang ina ng tahanan ay laging s'yang nag-aasikaso sa isang binuong pamilya at syang hindi magkandaugaga sa maghapon sa pag-aasikaso sa asawa, mga anak at bahay. Maliban na lamang kung iaasa mo sa kasambahay ang iyong tahanan.
Tip # 1
Maglagay ng salamin sa bawat lugar sa bahay na laging pinagtataanan ng oras gaya ng sa lababo. Kapag nagluluto ka o naghuhugas ng pinggan tiyak makikita mo ang iyong sarili kung gaano na kagulo ang yong buhok. Kung gaano na kalangis ang iyong mukha. Siguro ma ko conscious ka at kahit paano kakahigin mo ang iyong buhok gamit kahit ang yong kamay o kaya'y talian para di ka magmukhang si Sisa. (Nanay ni Crispin at Basilio sa Noli Me Tangere, di yong kapitbahay nyo ) At ang tangan-tangan mong maliit na tuwalya ay maipupunas mo sa "fez" mong mukha ng malagkit. Ugaliing magsuklay ng buhok sa maghapon... "Hair is the crowning glory of a woman". eh paano maging korona un kung gusot-gusot?

Tip #2
Maglagay din sa dingding malapit sa kainan upang bago ka kumain ay makita mo ang iyong hitsura at baka mahiya ka't magsuklay muna bago dumulog sa mesa para di mawalan ng ganang kumain ang mga kaharap mo. Kapag nakita mong naglilimahid na ang iyong damit sa maghapong trabaho baka maisipan mong magpalit naman. O baka maalala mong bumili ng apron para di ka naman ganun ka dungis

Tip #3
Sa harap kung saan nakalagay ang lap top mo o computer, maglagay ka rin kahit maliit na salamin. Isang sulyap lang at baka mapangitan ka sa sarili at bigyan mo ng kaunting segundo para ayusin ang sarili bago gumawa ng proyekto o bago kakipagchat sa mga ka fb friends mo. Nakakahiya namang ang ganda ng mga post mo o kaya ng mga profile picture mo eh kung sisilipin ka sa loob ng iyong bahay ay mas mapagkakamalan kang kasambahay kaysa sa kasama mo. (No offense meant).

Tip #4
Maglagay din sa CR. Kasi doon solo mo ang mundo at kapag makita mo ang sarili mong sibangot at tumatanda na ngingiti ka ng ubod sarap upang hanapin ang kabataan mo't natitirang ganda sa salamin. Dahil walang nakakakita sa yo. Dito ka pwedeng magngiwi-ngiwi ng iyong mukha o pagtumbling-tumblingin ang iyong mata, ilong, baba at pisngi upang ma exercise ang mga ito ng hindi ka nahihiya kahit ilang segundo lang.

Tip #5 Maglagay sa gilid ng pintuan upang bago lumabas ng bahay ay iyong makita ang buo mong pagkatao, ang iyong mukha, kasootan, ang iyong kaluluwa at anino, upang makita mo kung pwedeng iharap ang sarili mo sa mundo kapag ikaw ay lumabas ng bahay.
Tip #6
Maglagay sa kwarto ng make up area na may salaming malaki upang mas convenient mag-ayos at pwede kang magmodel-model ng iyong get-up at make- up kung ikaw ay may pupuntahang mga pagtitipon. Upang makasiguro na maayos ka bago umalis. Mag standby rin lagi ng suklay at pulbos. Lalo na ang suklay sa bawat salamin.

Hindi lang sa kwarto dapat maglagay ng salamin at suklay. Hanggat maaari ay lagyan ang mga lugar na malimit mong gamitin o pag istambayan, o pinag-uubusan ng matagal na oras upang lagi mong nasisipat ang iyong face value at iyong kabuuan. Sa pamamagitan nito ay na e exercise mo ang iyong mukha ng unti-unti upang maging maganda ng di sinasadya o pinipilit. Pagkat ang tao may ugaling ningas kugon. Mag-aayos ngayon bukas mukhang pendangga na naman kasi hindi nakikita lagi ang sarili. Make it a habit na ngumingiti lagi kapag napatingin ka sa salamin, so more often, naaayos mo ang sarili kapag lagi mong nakikita. Kung wala ang mga salamin na magpapaalala sa yo ay baka di mo na makilala ang iyong sarili paggising mo isang araw.
Ugaliing laging linisin ang mukha bago matulog kahit bagong ligo. Huwag mong iasa sa paligo ang ikagaganda at ikababata ng iyong mukha, lalo't kapag nagkakaidad na. Dapat may kaunting paghagod din at pag-aalaga sa kagandahan. MInsan pinapairal natin ang katamaran sa pag-asikaso sa sarili. Sabi nga "charity begins at home. Yong pagmumukha mo, yong sarili mo, bahay yan ng iyong pagkatao. Mahalin ang sarili. At sino pa nga ba maliban sa nanay mo, joke lang po
Kung lagi kang ngumiti sa maghapon para mo na ring na excercise ang iyong mukha, without really trying. "It takes 17 muscles to smile and 42 muscles to frown." KItam mas nakakapagod pa palang sumimangot kaysa ngumiti. Ngunit kung sa bawat sulok ng bahay, bawat galaw mo ay nakikita mo ang iyong sarili mahihiya ka naman sigurong di ayusin Ito at maaawa kang tingnan na bumibilis ang pagtanda mo't bukot na rin ang iyong katawan.
Bawas-bawas kanin din ah... Hala magdagdag na ng salamin!
Ikaw din... yong kapitbahay mo laging mabango't pustoryosa baka....🤣🤣🤣

No comments:
Post a Comment