Wednesday, March 21, 2012

TO MY FACEBOOK SON, JOJO SOTA VILLA


TO MY FACE BOOK SON, Jojo Sota Villa

There are others who attempted to call me Mom but it was a different thing when someone calls you "Mom" and that someone looks like you. And I started to make a world separating you from the real ones in order to feel the true essence of your being my son, my real son. It was my pleasure then to think that it was so easy for you to call me mom.

And who am I not to accept a son as handsome and talented as you are. Indeed, you are a great boast to my morality. I love how you call me, your "MOM". Thank you son and thank you for your humbleness and good deeds. You are simply amazing.

My son, it's your birthday today. Though this is the first time you would be celebrating your birthday with your "FB Mom", I'm so happy that I would be a part of this occasion by sending you my message. And I would rather be glad to see you happy and enjoying your life on your birthday and
onwards.

Praying that the good Lord will always be with you in all your endeavors. Pray more and remain as what you are now. God bless you and happy birthday once more.....Like wise your FB Dad is extending his greetings to you....sending with this message our love on your birthday....Dad and Mom


HAPPY BIRTDAY SA AKING FB SON
(Jojo Sota Villa)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/20/2012

Paano tutula diwa'y di makapa
Sapagkat ang lahat isa lamang katha
Mula sa simula nitong aking tula
Ako ay hahabi ng tulang mahiwaga

Ngunit kung wariin kaygandang isipin
Pagkat para sa 'yo kailangang gawin
Ang mga salitang aking hahabihin
Alay sa birthday mo dapat pagandahin

Sino magsasabi itoy di totoo
Sa bawat tawag mo ako'y tumatakbo
Upang tulungan ka sa Face Book narito
At dadamay sa 'yo tunay na nanay mo

Salamat anak ko tinuring na ina
Sa bawat sandali ako ay kasama
Sa mga problema sa Face book nagmula
Ako'y nakahanda tayo'y magkasama

Kayhiwaga ng Face Book tayo ay nagtagpo
Mag-ina sa turing kahit di sa dugo
At iyong pakinggan ang bulong ng puso
Na nagsusumigaw ng isang pagsuyo

Sa araw na ito iyong kaarawan
Binabati kita anumang paraan
Kahit sa malayo kita'y hahabihan
Mahiwagang tula ikaw ay alayan

Lagi mong tandaan ang bilin ko sa 'yo
Ang mabuting tao ang puso ay ginto
Huwag padadala sa masama't tukso
Sa mga problema sa D'yos ay sumamo!






Tuesday, March 20, 2012

SA AKING PABORITONG FB FRIEND


SA AKING PABORITONG FB FRIEND
Ma'am Lettie Festin Magango
www.weenweenreyes.blogspot.com
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween reyes, 3/20/2012

Parang kailan lang tayo'y nagkilala
Dito lang sa Face Book tayo ay nakita
Ngunit kaibigan kaiba talaga
Kaybuti mo pala ako ay humanga

Ta'y magkababayan isang pinagmulan
Hindi pa nagkita niyang personalan
Pero nagturingan na magkaibigan
Sa totoong buhay isang kasiyahan

Aking kaibigan gusto 'tang gawaran
Isang pagpupuri sa 'yo nakalaan
Ang dating Principal aking hinangaan
Babaeng matatag susugod sa laban

Ng s'ya ay lumisan ay pinanindigan
Ang pagmamahal n'ya di kinalimutan
Di muling umibig kahit pa kindatan
Ng mga lalaking sa kanya'y dumaan

Kapag nalulungkot puso'y tinuruan
kahit ang sarili ay kinalimutan
Nagtiis mag-isa kahit malamigan
Ang iyong nais pamilya'y tutukan

Sila'y pinalaki, sila'y pinaaral
Pangako sa mahal kanyang pinairal
Ginapang mag-isa kasama ang dasal
Hanggang makatapos ay hindi napanghal

At di d'yan nagtapos ang mga pangaral
At ang mga apo ay kanyang minahal
Kasamang lumaki di naging sagabal
Nagbigay ng oras at ng pagmamahal

Ma'am, ilan pa kaya iyang kagaya mo
Ang yong kalooban singtigas ng bato
Kaya ang pamilya ay naiayos mo
Mag-isang binaka buhay napanuto

Sana ay gayahin ng mga kabaro
Una ang pamilya ng ika'y mabalo
Hindi alintana hindi naigupo
Ng 'yong kalungkutan ang iyong prinsipyo

Ngunit hindi diyan lahat nagtatapos
Ang aking pagtula papel ay makapos
At sa dami pala di matapostapos
Kayhaba ng kwento hindi n'yo lang talos

Bumagyo ma't baha s'ya ay maasahan
Kahit iyang idad ay nadadagdagan
Retirado na s'ya noong ilang buwan
Pero tumutulong kapag kailangan

Mabuhay, mabuhay, ikaw kaibigan
At sumasaludo sa 'yong kagitingan
Ako'y natutuwa naging kaibigan
Iyang kagaya mo ay isang huwaran

At ngayon nga pala ay kaarawan mo
Nais kung bumati sa 'yo'y sumaludo
At ang aking dasal sana'y sumaiyo
Ang mga pagpala lahat ay masalo

HAPPY BIRTHDAY MA'AM!!!!!

Saturday, March 17, 2012

SA IYONG KAARAWAN


SA IYONG KAARAWAN
Adrian Kelly Formilleza Montojo
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/17/2012

Uban ay naglabasan
Kulubot nadagdagan
Anak mo'y naglakihan
Di nagbago Adrian

Birthday mo naman ngayon
Magpaputok ng kanyon
Magulat ang kanayon
Maghanda ka ng litson

Ngunit mukhang mainam
Ilaw gawing malamlam
At sabay makiramdam
Sa iyong inaasam

Pagkat sa kaarawan
Baka may surpresa diyan
At tanging nakalaan
Sa may kaarawan

Kayganda ng pamilya
Mukhang kaysayasaya
May tahimik na asawa
Anak na magaganda

Ano pa ang mahiling
Ang buhay ay kaygaling
Pangarap ay narating
Pamilya'y nasa piling

Magdasal sa D'yos Ama
Salamat sa biyaya
Di lahat pinagpala
May buhay na maganda

Buo ang 'yong pamilya
Mukhang napakasaya
Sikaping mapaganda
At laging magkasama

Pagkat ang ating buhay
Hindi lahat ay pantay
May buhay matiwasay
Ang iba'y merong lumbay

Masayang kaarawan!
Handa mo ay dagdagan
At baka ika'y datnan
Ng mga kaibigan

Friday, March 16, 2012

SA LIKOD NG MGA HIKBI


SA LIKOD NG MGA HIKBI
Inspirasyon: sulat ni Diane para sa kanyang ama
www.weenweenreyes.blogspot.com
Wee-ween Reyes, 3/16/2012

Habang nag-iisa ay aking nadama
Yaring kalungkutan magmula ng bata
Kaysakit sa dibdib mata ay lumuha
Mahirap tanggaping lumaki sa dusa

Ang aking akala nung ako'y bata pa
Ika'y sa malayo para lang kumita
Ngunit sa paglaki'y naunawaan na
Ang katotohanan ay kaysakit pala

Puso'y tumatangis bawat mga oras
Gustong kumawala maghanap ng lunas
Sapagkat sa buhay may isang pangahas
At naging sagabal sa tuwid na landas

Ngunit bakit ina ikaw ay lumayo
Kami ay naiwan salat sa pagsuyo
Ika'y nagtrabaho doon sa malayo
Para ipakita kaya mong tumayo

At ang aking ina gaya ko'y nagdusa
At ang bawat gabi s'ya ay nag-iisa
Sa bawat pag-iyak ako ay naawa
At sa batang musmos galit ang nadama

Bakit kailangang anak ang magdala
Sa mga problema ng ama at ina
Ang dapat nga sana sila ang gigiya
At sa tamang daan kami ay mapunta

Sa aking paglaki ay aking hinanap
Ang mahal kung ama na aking pangarap
Kaysakit malaman wala sa hinagap
Wala na sa piling wala ng paglingap

Mulang magkaisip ang buhay ay hungkag
At ang aking puso ay halos malaglag
Ang katahimikan ay gustong mabasag
Nagulo ang diwa hindi mapanatag

Sa bawat pagtibok nyaring aking puso
Sana ay madama itong panibugho
Sa lakas ng pintig ay halos dumugo
At nagsusumigaw saan ang pangako

Paano na Ama ang mga sandali
Ang aking damdaming hanap ay kandili
Itong naranasan ay sobra ang hapdi
Sa mga paghikbi labi'y naging pipi

Sa mga pasakit na aking nadama
Sa sama ng loob na ikaw maygawa
Kanino isumbat itong lahat ama
May mabago pa ba sa pusong naaba?

Naisip mo rin ba sana ay naawa
Sa gaya kung bata mawalan ng ama
Minsan naghahanap ng iyong pagpala
Na masasandalan sa batang problema

Kanino ba Ama, kaninong balikat?
Kung ako'y luluha sino ba ang dapat?
Ang iyong kalinga iyon sana'y sapat
Ang aking pag-iyak doon lang maawat

At sa aming paglaki hindi mo narinig
Ang mga hagikhik na nakakakilig
Ang 'yong mga yakap na nakakaantig
Sana'y naihayag sa buong daigdig

Kaysarap mangarap kahit pa huli na
At sasariwain ang mga alaala
Nakaw na sandali dapat amin sana
Naagaw ng iba kasama si ama

Ang laman ng dibdib ay sama ng loob
Hanggang sa paglaki ay siyang lumukob
Sa aking isipan ay meron ng kutob
Ikaw ay mawalay sa iba kukubkob

Sana ay matapos ang aking paghikbi
At mga pasakit hindi manatili
Sana ang pagtangi bumalik na muli
Sana'y makalimot sa mga pighati

Sa likod ng hikbi ang pusong nalungi
At naghuhumiyaw sakit ay masidhi
Sana'y makatayo makangiting muli
At muling aasa sa saya mauwi

Ako'y magdarasal sa Poong Maykapal
Bigyang katuparan itong aking usal
Na sana'y kasihan kunting pagmamahal
Ako'y maghihintay hindi mapapanghal

Sana Panginoon Ako'y inyong dinggin
Aking panalangin at mga mithiin
Sa "'Yong" mga kamay sana'y pagpalain
Itong aming buhay sana ay lingapin

MINSAN LANG MAGING BATA


MINSAN LANG MAGING BATA
www.weenweenreyes.blogspot.com
Inspirasyon: angel ni Luzviminda Ginete Reyes
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/16/2012

Nung ika'y musmos pa aking naalala
Kaysarap halikan sa dibdib ay tuwa
Ang 'yong mga yakap kaysarap madama
Kapit ng daliri kiliti sa mukha

Kaytambok ng pisngi kaysarap pisilin
Ang mga ngiti mong kay hirap arukin
Ang yong mga matang kaylagkit tumingin
Parang nanunukat kaylalim liripin

Sa bawat paghakbang ay iyong pagmasdan
Sa unang pagtakbo ay iyong unahan
Sa bawat pagdapa iyong pabayaan
At ng makadama minsan ay masaktan

Sa bawat hagikhik sabay kang bumirit
At sa bawat sigaw ika'y kumandirit
Sa bawat pag-iyak hayaang lumapit
At iyong hagurin kung saan masakit

Kahit ka mapuyat sa buong magdamag
Hindi ka mapagod kaalama'y dagdag
Sapagkat pag-ibig sa puso ay hayag
Dahil pagmamahal ang nagpapatatag

Tunay ngang kaysarap kung balikbalikan
Panahong nagdaan n'yaring kabataan
Hindi mawawala hindi malimutan
Ang mga kahapong tuluyang nagdaan

Minsan lang talaga tayo maging bata
Kaya't ating damhin ang bawat ligaya
Sapagkat ang noon tiyak mawawala
Tayo ay lalaki, tayo ay tatanda

Sa ating paglaki and'yan ang D'yos Ama
Sa ati'y gagabay dulot ay pag-asa
At sa daraanan rosas ang kapara
At wala ang tinik pagkat "S'ya'y" kasama

Thursday, March 15, 2012

"THE GRADUATES"


"THE GRADUATES"
www.weenweenreyes.blogspot.com
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/15/2012


Thank you God for the gift of love. Thank you for the simple life that I chose to embrace and in return "You" gave me the best thing that I want in my life, my family.

Thank you for the little things that made each day of my life something to live and for giving me the feeling of full happiness and fulfillment. Thank you for all the graces that you bestowed upon us. Indeed, I have many good things in life to be thankful of.

Thank you also for having a wonderful husband who is always at my side silently giving me support in any manner. Thank you for understanding every breath of my life, my weaknesses and my imperfections. I can't ask for more.

Once again Graduation Day is on the air but I want to commend and congratulate first my dearest one ahead of anyone who will graduate. Congratulations! You've passed all the hardships in life with flying colors giving your children a simple but satisfying life and their right for education. I salute you.You are a graduate in your responsibility as a father in this aspect.

And to all our children, thank you for being good and for giving us less problems and less worries and for letting us meet our expectations of you. Surely, we are one of those happy parents in the world who are blessed enough for having children as good as you. You made us proud parents.

And above all these, I want to congratulate our youngest child, for following the footsteps of her siblings. Happy graduation dear! Your being a graduate signaled us to feel fulfilled. Thank you God for all these blessings.

I write this to enlighten some of our parents to give more quality time to their children. It takes patience and courage to have good children who will bring you less worries, less problems, less anxieties and less pressures in life. But it's worth the sacrifices.

Now as you go along, may all your dreams come true like ours. And to your children, it is best to be graduates than drop outs...you should have the same feeling with our children and your parents like ours......

Yes, we are "The graduates"! And if by chance you read this message, I want you to know that we feel like one again. Just like any other graduates in full gear, in their togas, in their medals and diplomas.

"The graduates"? Yes we are! We have graduated in our responsibility to send them to school, fed them, clothed them and guided them in their endeavors in life. But still we are here until our last breath to guide them in their undertakings in the future. We are just like the graduates who wished for masterals and doctorates. And God is our guide and we owe everything from the good Lord, our savior.

While I have this happiness in my heart, let me encourage you parents. Your children's future lies in how you handle them. But children, let not your parents devour all their minds and might to handle you. There is still so much time for all of these, and to all, who like us, were able to graduate in this fortunate circumstance , my congratulations, and I say to you, lucky are your children that you are their parents. Good Day!

HAPPY GRADUATION TO ALL GRADUATES.....GOOD LUCK AND GOD BLESS YOU ALL !!!!!

Wednesday, March 14, 2012

INOSENTE


............"INOSENTE".............
Inspired by Adrian Kelly Formilleza Montojo's angels
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/14/2012

Iyang mga labi aking pakiwari
Kaysarap pakinggan ang namumutawi
Maliit na tawa Inosenteng ngiti
Ang mga halakhak may tulang hinabi

Pagmasdan mo sila at mababanaag
Ang wagas na puso ang isip panatag
Ang mukhang kay saya parang isang sinag
At ang mga mata ilaw ang liwanag

Kaysarap talaga maging isang bata
Walang iniisip na mga problema
Hindi alintana anumang makita
Ang imahinasyon parang engkantadya

Kaysarap nga naman maging isang bata
Walang kalungkutang nadarama sila
Wala pa ang pag-ibig na nakataranta
Nagdulot ng saya't lungkot sa tuwina

Kayrasap, kaysarap puno ng pangarap
Walang pa ngang muwang kahit sa hinagap
Na ang mundo pala ay may paghihirap
May dalang pasanin iyong hinaharap

Ganyan nga ang bata mundo ay tahimik
At sa kanyang dibdib ay wala pang tinik
Kaytamis ang ngiti kahit di umimik
Nagbibigay saya ang bawat hagikhik

Inosenteng bata inosenteng tuwa
Ang bawat umaga'y puno ng pag-asa
Ang kanyang paligid palaging kayganda
At ang bawat oras puno ng ligaya

Inosenteng ngiting nagbibigay saya
Sa ating damdamin pag sila'y nakita
Nakapaalala nung tayo'y musmos pa
O kaysarap pala kung tingnan mo sila

Inosenteng bata ay nakakatuwa
At sa bawat ngiti'y may tanong na dala
Kung saan nagmula kayhabang istorya
Bigay ni Bathala, ang ating D'yos Ama

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...