Sunday, April 29, 2012

SI MARIA AT ANG AMO


SI MARIA AT ANG AMO
a.k.aWee-ween Reyes, 4/27/2012

Maria Iabot ang baso ng tubig
At nang masayaran ng lamig ang bibig
Nang ang aking ulo ay agad lalamig
Upang aking inis ay hindi manaig.

Ito among tunay ang tubig na hiling
At ako'y susunod sa bawat naisin
Pagkatapos nito ako ay sasaing
At agad lalabhan damit na marusing.

Pagkatapos niyan ikaw ay magplansta
At wag tumunganga kagaya ng iba
Ako'y nagbabayad di sentimo't barya
Iyan ay dolyares malaking halaga.

Baka pupwede po bukas na magplantsa
Masakit ang likod at inuubo pa
Baka matuluyan paanong pamilya
Wala ng saysay ang pangarap nila.

Hindi maaari wag kang magpahinga
Ang sweldo mo'y bayad magtrabaho ka pa
Ikaw pala'y tamad reklamadura pa
Aking tagasilbi at aking mutsatsa.

Ito ba talaga ang mabuting amo?
At kunsiderasyon di mabigay nito
Sa mga sandaling hirap na ang tao
Bingi pa ang taynga, mata ay sarado.

At ngayong "Labor Day" gusto kong humiling
Sana nga ay dinggin itong aking daing
Nang nasa gobyerno na pabiling-biling
Sana wag sasagot nang iiling-iling

Bakit hindi bigyan nang tamang pagtanaw
Ang mga "laborer" na halos matunaw
Ang lahat nang hirap sila ay humataw
Hindi alintana trabahong kalabaw

Bigyan naman natin ng sang buwang bunos
Itong araw nila ay ating ibuhos
kaysarap mamasyal pag merong panggastos
Meron pang pambili damit at sapatos

Ako'y magdarasal sa puong maykapal
Nawa ay bumait, matutong mamahal
Itong mga among sobra kung suminghal
Pagkat lahat tayo "Kanyang" minamahal

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...