Tuesday, April 3, 2012
SA KATAHIMIKAN NG DAGAT
SA KATAHIMIKAN NG DAGAT
www.weenweenreyes.blogspot.com
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 3/16/2012
Ah nakakabingi na katahimikan
Tingnan iyang dagat ang alon pagmasdan
Hindi umaalis hindi lumilisan
Walang pumupunta dun sa karagatan
Kay banayad naman iyang kanyang alon
Parang sumasayaw kung saan naroon
Hindi nagmadali at parang umayon
Tahimik na buhay hanggang dapithapon
Ngunit iyang dagat pag siya'y nagalit
Kaytaas ng hampas alon ay makulit
At sa bawat talsik ay lumalagitnit
Ang bawat daanan tamaan ng ngitngit
Ganyan din ang buhay minsan kaytahimik
Lahat ay maayos wala iyang tinik
Pamilya'y kasama wala ang himagsik
Gabay ng magulang buti ang nahasik
Pagmasdan ang buhay ng nangibangbayan
Pamilya'y naiwan lahat naguluhan
Nawala ang sigla lungkot ang nanahan
Nawalan ng giya yaong kabataan
Sa nangibangbayan inyong subaybayan
Kahit sa malayo pamilya'y gabayan
Mga kabataan sadyang kailangan
Ang mga magulang na masasandigan
At sa bawat unos ay maging matatag
At gaya ng dagat hayaang mahayag
Minsan iyang dusa ay nakakadagdag
Upang tumibay pa at buhay panatag —
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment