Thursday, April 5, 2012
HUWEBES SANTO (MAUNDY THURSDAY)
HUWEBES SANTO (MAUNDY THURSDAY)
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 4/5/2012
Kahit sabihin natin na moderno na ang panahon sa ngayon, tayo bilang Pilipino ay patuloy pa ring nag-o observe ng nakalakihan at nakagawiang tradisyon ng mga kristyano, ang Mahal na Araw.
Medyo tahimik ang paligid sa kapitbahayan ngayon. Wala kang maririnig na nag videoke gaya ng mga nakaraang araw na halos araw araw may nagkakantahan. Ngayon ang maririnig mo ay pabasa ng pasyon. Kahit papano ay mararamdaman mo pa rin na tayo ay patuloy na naniniwala kay Kristo.
Huwebes Santo ngayon. Ito ang araw na magpapagunita sa atin tungkol sa huling hapunan ni Hesus at ang kanyang labingdalawang apostoles. Ito ang araw na dapat nating dasalin ang Stations of the Cross sa simbahan kasama ang ating mga mahal sa buhay.
Ito rin ang araw ng Visita Iglesia. Bibisita ka sa pitong simbahan ang iba naman ay 14 churches bago makinig ng misa. Iyong dasalin ang tigatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati sa Ama. Pagkatapos ay magdasal ng iyong nais.
Noong araw ay naka ugalian ko ang magpunta sa 14 churches tuwing Huwebes Santo at sa bawat simbahan ay aking dinadasal ang kumpletong 14 Stations of the Cross. Sana magawa ko ulit ito. Kayo, pwede n'yo ring gawin ito, napakasarap sa pakiramdam pagkatapos. Really, it feels like Heaven!
Magsimula ka ng 5:00 A.M. ng Huwebes o kahit mas maaga pa kung may mas maagang misa matatapos ka bago mamaalam ang haring araw o bago magmisa. Pero dapat nakaplano na kung saang mga simbahan ang iyong pupuntahan para di ka maligaw at maabala. Hanggat maaari ay piliin mo ang mga simbahan na magkakalapit para makumpleto at matapos mo bago maghapon.
Kung hindi natin ito magawa ay kahit sa isang simbahan tayo'y makapagdasal nito. Importante madasal natin ang stations of the cross bago mag Siete Palabras (Ang Huling Pitong Wika) sa alas tres ng hapon sa araw ng Biyernes Santo.
Tayo ay magnilaynilay, magtika at mangiling. Kalimutan natin kahit sumandali ang mga kaguluhan sa paligid, ang mga ngitngit sa ating puso, ang mga nakakainis na kapitbahay, ang mga boyfriend o girlfriend na nang-iwan, malay natin sinadya ito ng langit dahil may nakalaang mas mabuti. Ang mga awayan at ang mga pasaringan na wala namang mga kwenta.
Itutok muna natin ang ating mga isip sa Panginoon. Matuto tayong magpatawad at kalimutan ang mga bagay na hindi naman makakatulong sa pag-unlad ng ating kaisipan at pagkatao. Linisin natin ang ating mga budhi at tingnan ang sariling dungis sa mukha at hindi ang sa iba. Sabi nga...kung sino ang unang pumukol ay siya ang makasalanan.
Pareparehas lang tayong makasalanan. Walang pwedeng magsabi kung sino ang mabait at makasalanan. Kung sino ang mabuti at hindi. Pagkat "Siya" lang ang may alam kung ano tayo sa isip, sa salita at sa gawa. "Siya" lang ang may kiluhan kung gaano na kabigat ang ating mga kasalanan.
Kaya kaysa magbangayan at mag-isip ng masama sa kapwa tayo ay magdasal at linisin ang ating sariling pagkatao. Magsisi sa ating mga kasalanan. Tanungin ang ating mga sarili at magbilang kung ano na ba ang ating nagawa sa loob ng isang taon o kahit mula pa noon. Ano nga ba tayo bilang tao, bilang ama o ina, bilang anak, bilang kapatid, bilang kaanak, bilang kaibigan o bilang kapitbahay.
Ito na ang ating pagkakataon. Bigyan natin ng grade ang ating mga sarili. Dito natin malalaman kung tayo ay papasa sa mata ng Diyos. Kung hindi naman ay pilitin natin na magsimulang magsisi, start picking up the pieces. It's not yet late.
Habang tayo ay nabubuhay ay binibigyan pa tayo ng Panginoon ng chance na maiayos ang ating mga sarili para pagharap natin sa kanya tayo ay hindi mahihiya at tayo ay handa kahit anumang oras na tayo ay "Kanyang" tawagin.
Taimtim tayong magdasal at humingi ng kapatawaran sa "Kanya". Isapuso natin ang bawat panalangin. Mag internalize tayo. Limiing mabuti, yong tagos sa budhi. Yong tagos sa kaluluwa. Mag soul searching at hanapin ang ating mga sarili. Ano nga ba tayo? At makikita natin ang sarap ng pakiramdam na hindi pwedeng ibigay ninuman kundi "Siya" lamang.
Ngayon, Holy Week na naman. Gamitin natin ang pagkakataong ito na maging mabuting anak ng Diyos. Ipakita natin sa "Kanya" na itong ating buhay na ipinahiram n'ya ay may saysay sa mundo. God bless us all!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment