Tuesday, April 3, 2012
MAHAL NA ARAW
MAHAL NA ARAW
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 4/3/2012
Pansamantala ay isasaisantabi ko muna ang aking ibang kwento hanggang sa Linggo para bigyang daan ang mas mahalagang occasion sa ating buhay. Kahit sumandali, tayo ay magtika at magnilay nilay at bigyang halaga ang pagpapakasakit ni Kristo para tayo ay iahon sa kumukulong apoy ng kasalanan.
Taon taon tayo ay nag-oobserve ng nakagisnang Mahal na Araw or Holy Week. Ngunit natanong man lang ba natin sa ating mga sarili kung ano ang mahal na araw at para saan ito. Parang naging isang ordinary occasion na lang ito sa ating buhay at ginagamit natin ang pagkakataong ito para sa ating kasiyahan.
I have nothing against people making use of this occasion to spend their vacation in any manner. It's just that, I hope, it serves its purpose. Sana magbigay tayo ng oras para makapagdasal at makapagnilay nilay bago lumukso sa swimming pool o bago magsimulang mag videoke o bago magkainan o mag-inuman. Napakagandang pagkakataon dahil buo ang pamilya at nagsamasama
Kahit sandali. Kahit 30 minuto hanggang isang oras ay ibigay natin sa kanya. Bago tayo magsimula sa mga activities natin pwede tayong magdasal muna. Hindi naman siguro makakaubos ng ating oras dahil ang isang araw ay 24 oras para sa yo. Sana yong isang oras maibigay sa Panginoon ngayong Holy week may sukli ka pang 23 oras para sa iyo.
Kahit saan ka pa nandoon ang D'yos ay naroon din. Kung mas pinili n'yong mag-anak ang magbakasyon kaysa manatili sa bahay at makapagsimba sa araw ng Huwebes Santo at Biyenes Santo, gawin din natin ang obligasyon natin sa "Kanya" kahit tayo ay nasa malayo at hindi makapagsimba.
Ngayon magbalik tanaw ka. Araw araw ba sa 24 oras nabahaginan mo ba s'ya kahit dalawang minuto para magdasal? Samantalang meron ka pang 1,438 minutes para sa ibang bagay? Kahit man lang mag-antanda bago tumumba sa gabi para makita n'ya na kahit pagod ka at inaantok ay naalala mo s'ya bago matulog.
Nagtataka ang aking asawa bakit bago ko ipikit ang aking mga mata bago matulog ay nag kukuros ako ng anim na beses. Ang sabi ko sa kanya dahil sinisiguro ko na kung nakakalimot silang magdasal bago matulog at least naisama ko sila sa dasal ko at kaya anim kasi lima kaming lahat at ang isa ay pasobra at baka nagkamali ako ng bilang.
Ang aking mga magulang ay napakasipag magdasal. Pagmulat ng aking mga mata ay nakikita ko na silang nagrorosaryo at bago mahiga ay nagrorosaryo ulit. Alam ko kami ang laman ng kanilang mga dasal kaya nga siguro kahit papano ay naging tahimik din ang aming buhay bilang isang pamilya kahit kami ay sampu. Too hard to manage kung tutuusin sa dami.
Ngunit hindi lang iyon. Kung baga sa madjong may mga paningit pa silang dasal sa maghapon. Sari sari. Merong 3'o clock prayer, merong orasyon at 6' o clock at iba pa. Kaya hindi ako nagtaka ng pumanaw ang aking ama ay di sya nahirapan. Para lang s'yang natulog. Isa itong pagpapatunay na hindi tayo pinababayaan ng Diyos.
Mahal na araw na. Magtika tayo hanggat maaari. Magnilaynilay. Minsan lang naman ito sa isang taon. Mag soul searching tayo at magbawas ng mga kasiyahang ating ginagawa sa araw araw para ipakita sa "Kanya" ang ating pagmamahal.
Ngunit para sa akin, ang pagpapakabuti ay gawin natin sa lahat ng oras, sa bawat segundo at sa bawat himaymay ng ating buhay. Dapat ang tao ay laging nakahanda para sa oras na tayo ay tawagin "N'ya", tayo ay hindi mag-atubili dahil para tayong boy scout, laging handa. Sabi nga "death comes like a thief in the night".
Simpleng mathematics lang ang buhay. Correct minus wrong ang basehan. Pumili ka lang sa dalawa. Masama o mabuti. Mas madaling magpakabuti kaysa masama. Mas masarap ang damdamin ng pagiging mabuti kaysa pagiging masama. Bakit pa natin pipiliin ang kumplekadong buhay pwede namang padaliin.
Mabuhay tayo ng deretso. Yong mga mali ibawas mo na unti unti hanggang sa ang matira na lang ay pawang kabutihan. At unti unti, di mo namamalayan nasa tamang daan ka na. Huwag nating hayaan na dalhin tayo ng masamang elemento sa masikip at madilim na daan. Mas magandang ikaw ang magdala sa kanila sa isang maganda at maliwanag na daan.
Mahal na araw at hindi tayo ay magsumikap na magpakabuti. Matutong magmahal ng kapwa at magpatawad sa may kasalanan sa atin. Linisin ang bawat sulok ng ating puso at wag kalimutang magdasal paulit ulit hanggang sa marinig tayo ng D'yos, wag tayong magsasawa.
Hindi mababayaran ng pagpapapako sa krus, pagpapahampas sa likod at paglalakad ng nakaluhod sa simbahan ang ating mga kasalanan. Imbes na gawin natin yan ay tumulong na lang tayo sa kapwa, gumawa ng kabutihan, Iwasang gumawa ng kasalan. Iwasang makipagtsismisan sa kapitbahay at manira ng kapwa. Iwasang mamula at imbes ay ayusin ang sarili para maging karapatdapat sa mata ng Diyos. Pahirin ang sariling uling bago tingnan ang sa iba. Kung atin lang masusunod ang sampung utos ng D'yos ay tatahimik ang mundo.
Basta lagi lang kumapit sa kanya at nakakatiyak tayo ng magandang bukas kasama "S'ya". Magpasalamat tayo sa mga biyayang ipinagkaloob n'ya sa araw araw at sa mga paghihirap dalhin natin ito ng may pagmamalaki na habang tayo ay nahihirapan ay kaisa tayo ng D'yos sa hirap na dala dala n'ya para tayo ay isalba. Salamat Panginoon!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment