Sunday, April 29, 2012

MANGGAGAWA, LUHA'T PAWIS

MANGGAGAWA, LUHA AT PAWIS
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 4/29/2012

Di ba kayo nahabag
O maawa't matinag
Dibdib nyo ba'y matatag
Puso n'yo'y di lumundag?

Masdan silang maghirap
Walang tulog nangarap
Ang gusto rin ay sarap
At hanap ay paglingap

Ngunit bakit kaybingi
Patuloy naaapi
Kailan maseswerte
Iyang mga kalahi?

Nagbubulagbulagan
Mata ay napiringan
Kahit may lakan diyan
Kaw ba'y maintindihan?

Hindi sila dumanas
Paano ang humimas
Tiyan na kumakayas
Bulateng umaaklas

Ang sigaw nyaring puso
Humihingi ng suyo
Buksan iyang isip nyo
Tingnan ang Pilipino

Sana may tumalino
Bigyang kunting kunswelo
Ang mga nagtrabaho
Hirap, luha't pawis po

Isulong aking hiling
Dinggin ang aking daing
Ang tingin ay ibaling
Meron pa bang masaing?

Tingnan ang iyong hapag
Kaydaming nakalatag
At halos di natinag
At dagdag pa ng dagdag

Masdan ang sa kanila
Tuyo ay hinati pa
Pati ulo'y nginata
Hindi ka ba naawa?

Ang mga manggagawa
Kailan sasagana
Bakit di ta maawa
At taasan ang kita

Namuhunan din sila
Di man aral ang iba
Isip ay pinagana
Katawan ay hirap pa

Isulong naman sana
Bigyan ng importansya
Gumawang panukala
Para lang sa kanila

Mabuhay kayong lahat
Manggagawa man ay puyat
Kahit pa mangayayat
Ang D'yos ay nakadilat!

Patuloy lang mangarap
Patuloy ring maghanap
Lumuha ma't maghirap
Sa wakas maglalasap...

Mabuhay kayong lahat!!!

No comments:

Post a Comment

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...