Friday, December 28, 2018

UNANG PASKONG WALA KA INAY



Unang Paskong Wala Ka Inay
Sana'y kulay puti ang kulay ng Pasko
Katulad nang dating bulinggit pa ako
Mandi'y tuwang-tuwa sa pamaskong piso
Mata'y nagniningning, puso'y lumulukso.
Ngunit paano na ang Paskong darating
Hungkag ang paligid sinlungkot ng silim
Luksa ang tawanang dati'y kay taginting
Hikbi ang kapalit, wasak na damdamin.
Ang Paskong darating wari'y kulay asul
Awiting kaylungkot tila nanunulsol
Nag-unahang butil sa pisngi'y dumaloy
Sakbibi ang hapis, luha'y nanghahamon.
Habang minamasdan tangang telepono
Titig ko'y napako sa mga numero
Ibig ko'y marinig, tinig mo'y hanap ko
taynga'y hinihintay tunog ng boses mo
Paano ang Pasko kung wala ka Inay?
Bawat ngiti'y hilaw, halakhak ay bahaw.
Paano ang Pasko kung may pagdaramdam?
Ang keso de bola, hamon ba'y linamnam?
Sa aming paglakbay salita mo'y gabay
Ang ginintuang aral na iyong iniwan
Bawat titik nito'y pahahalagahan
Isang kayamanang walang makanakaw.
Dangat kapaskuhan ay kapanganakan
Nang ating mesiyas, ang Diyos na banal
Tayo ay magdiwang,at pasalamatan
Ang buhay na hiram mayroong hangganan

Weeween Reyes 2018

UNANG PASKO SA LANGIT

Unang Pasko Sa Langit

Tanaw ko'y gumala't abot kalangitan
Nagbakasakaling kita'y mamataan
Sa mga bituing baka isa'y ikaw
Sinag ng liwanag, ilaw mo ay tanglaw.

Kumikislap ka bang tuldok sa madilim?
Sa rabaw ng mundo ay bibitin-bitin
Habang nakatanghod ngayo'y nakatingin
Sukdang minamahal lubos naninimdim.

Ngunit hayaan mo ang mga naiwan
Sa tamang panahon ikaw'y sasamahan
Ta'y may kasabihang "una-una lang yan"
Buhay sa daigdig sadyang hiram lamang

Paano ba Inay ang Pasko sa langit?
kwentuhan mo ako habang nanaginip
Sinalubong ka ba ni Itay ng halik
si Kaka, si Diko, mukha ba'y nanabik?

Siguro nga Inay masaya ang Pasko
Na una mong danas mula nang yumao
Sa piling ng Diyos at Ama ng tao
Namnamin mo Inay kaygandang regalo

Sa piling ng Ama ang Pasko ay wagas
Lahat ay masaya, may pumapalakpak
Sila'y sumasayaw habang magkayakap
Kumakanta-kanta anghel na may pakpak.


Inspirasyon:
Flor Maliwanag Keh: Merry Christmas, 
1st time dn ni auntie to spend Christmas 
in heaven with Jesus Christ.

Weeween 2018


Sunday, November 25, 2018

Doon sa Langit


                     
DOON SA LANGIT

Halina mahal ko, kaytagal hinintay
Ang sandaling wala ay nakapapanghal
Ang makapiling ka'y aking panambitan
Ang pag-iirugang minsan ay nawalay.

Oh! Anong hinayang kung aking wariin
Sigaw ay paggibik, aking paninimdim
Sinisinta kita, ikaw't ikaw giliw
Nang ako'y magyao'y wala sa yong piling.

Upang panagpuin ng mga panaghoy
Hanggang mawakasan ang mga linggatong
Marahil ang lungkot ay muling hihilom
Dakilang tahanan tungo nati'y doon.

Habang mga anghel ay nangagsiawit
Sakbibi ang tuwang ako'y nananabik.

Weeween 2018

Tuesday, November 13, 2018

HULING GAGAP



Sana'y hinigpitan ko pa
ang gagap sa yong palad,
yon pala ang huli kong hawak.
Sana'y di ko binitiwan,
kahimanawari'y napigilan 
ang pamamaalam.
Sana'y ginagap pa't naantala
nang ang init ng palad ko'y
alab sa lumalamig mong kamay.
Sana bawat kong buntung-hininga'y
hiningang dudugtong 
sa kinakapos mo't hingal.
Sana...
Danga't maling pigilan
ang nais lumakbay 
tungo sa tunay na tahanan.
Hayaan nang lumisan 
at kandungan N'ya ang hahantungan.
Kahit ang pagyao'y katumbas
ng dagat ng luha 
ikaw'y hahayaan maglayag
kung ang pamamaalam ay:
katiwasayan, 
katahimikan, 
kaligayahan, 
kaginhawahan,
at pahingalay ng katawang lupang
nakibaka ng siyamnapu't isang
paulit-ulit na kaarawa't
umawit ng oyayi sa sampung buhay.
Mapalad ka Ina't tinawag na Niya
diyan sa buhay na walang-hanggan!
Nobyembre 12, 2018
(Ika-apatnapung araw)
Larawan: Inutski and Mommy
Weeween Reyes 2018

Friday, November 2, 2018

Why A Loss When Heaven Is Gained?

Why A Loss When Heaven is Gained?
http://weenweenreyes.blogspot.com/
I can’t clearly imagine what transpired that very early morning of October 3, 2018. I just found myself rushing to the bathroom with my elder sister, Pinky, also preparing herself to the hospital. “Quick! Mom’s being resuscitated,” words from the other end of the line. That’s all I remembered as we dashed to the hospital not speaking to each other and hurried to the third floor where Mom was.
The boat, “To Go”, docked at exactly 4:00 AM in my beautiful hometown Odiongan (Romblon) on a Monday of October 1, 2018. The weather was so fair that I felt so good since I left our home in Cainta. I was in a hurry to see my mom, afraid that I won’t be able to see her in good shape. Nobody knew I was coming that very day as I am used to giving my family a surprise every time I wanted to see them on rare occasions.
At 4:30 am, I was in the vicinity of our home. I rang my sister up, which she abruptly answered to my surprise. (Oh! she’s still up in this wee hour of the night taking care of our mother.) “Hello, Ning! That’s how I fondly call Cecille. ”Where are you? “ “I’m home.” She muttered.
“Kindly open the door. “ She heeded without expression. I thought I surprised her. But she was not actually astonished. Maybe she was merely tired waiting for us or really tired and sleepless taking care of our dear mother. I was exhilarated to see Mom, but she was sleeping soundly, so I did not disturb her, instead, I chat with my younger sister about her condition. I was anticipating when I was still in Cainta that she will no longer recognize me, and that troubled me so much. Few weeks before my feet brought me to Batangas to take the boat, I was bitten by our kitten, Yoonji and I had to wait until my last shots were over. It took me some 3 weeks to finish.
A few weeks ago, I talked to Mom and asked her if she wants me home. And she said yes. But I quipped. “I gonna go home next year”, and she answered back, “will you get to me in time?” It was all because I was planning to take the boat the following day wearied by my sister’s story about what mom was saying every now and then. She was always asking if the boat arrived and if anyone of us was arriving. She often asked for her eldest grandchild, Shiela. So I was in a hurry to go home since I was afraid that if my niece got home ahead of me, I will no longer catch up with my mother.
Going back to my story, since the sun hasn’t shown herself yet, I asked my sister that we buy some foodstuff from the market as I missed the native “kakanin” and my favorite “kalamay mais” which I used to eat in my early teens, though I was in despair how it tasted now, and also to see my cousin, Arnel, and his famed porridge. He was amazed to see me in surprise.
Once we’re home, I was certain that Mom was awake. But alas, she no longer recognized me! I kept on telling her that I was home for her. My heart broke multiple times since she could no longer appreciate my presence and so desperate to see her in her condition. I still remember my very pretty mother who last year was still so robust and smart with a wit and brain of that of a 50-year-old lady until that thing on her right upper face annoyed her. She had been operated last October 2017, believing that it was just an ordinary cyst. And we brought her back to the province after the operation, but her situation just worsen. She was then brought back to Manila and consulted 3 more doctors after we got the result of her biopsy on January 2018, it was a case of hemangioendothelioma. The exact underlying cause for the abnormal growth is unknown. That’s the time we were made aware that her case was very rare. According to one of his doctors, there were only 200 cases around the world. “Your mom is mestiza”, he made a jest of which I jested back. “Why Doc is her case that of mestizas?” which he firmly answered smiling, “yes!”
Before we finally consulted the last doctor on March 2018, my mom, was still so robust and can walk at least some 40 meters just by holding in our arms, took a bath alone, and eat by herself. In fact, she was still up on midnights playing cards in her laptop. At times, her 2nd grandchild, Sharon took her out in the malls for an eating esprit with Sheila and Cecille.
Knowing that there was no cure for her illness when she went back to the province, my sister said, things were different. After two weeks, she could hardly walk and when we went home last May 5, 2018, for her 91st birthday. She was in the hospital for one week. From there on, she no longer got up from bed. My sisters Cecille, Mons, and Pinks and daughter Inuts and brothers Jose Rizal (Dodong), and Cocoy with her wife Sha took pain in taking care of our mother because she was plump and heavy, but they sacrificed a lot. Thanks to them
The day I arrived, she remained sleeping. But at noon time she finished one cup of osterized food and nothing followed till evening, so I worriedly asked my brother who is a nurse by profession, the good Vice Mayor of our town, Mark Anthony (Cocoy), what best to do, so, he called the hospital for Mom’s blood chem. And someone got her blood sample on that very day. On Tuesday, we were informed that mom’s hemoglobin was so low so we decided to bring her to the hospital on that same day. When the hospital staff came in and transferred her to the stretcher, it was the time that I saw my Mom’s first and last smile that moment. The timid smile that meant a thousand words to me, the smile that was enough to cure my thirst of her consciousness, the smile which I’ve missed for quite some time being far away from her. Yes, that was the best smile implanted in my mind till now, and that to remain in my memory of my most beautiful mother ever, that last pusillanimous smile in her lips.
The priest which we called earlier arrived when the ambulance was about to leave so we let him bless mom before we left. After receiving dextrose in the emergency room, her eyes opened wider as she seemed almost recognizing us all. I was telling her, “Mom, I’m here. Do you recognize me?” My other siblings were just right there talking to her and everybody was expecting her to recover.
Mom was 91, the age that was some kind of a “bonus” to us, but we were just wishing that our other siblings can still catch up with her alive, just for the thought of it…to see her alive, but in vain.
It was exactly quarter to six in the morning of October 3, 2018, when we were back to the hospital since I slept at home after we brought Mom to the hospital that afternoon because of a bad cough and troubled stomach. I and my elder sister, Pinky, were praying just to catch up with her. We were quiet and numb on our way to the hospital. That fatal day was a total wreck in our whole being seeing her already lifeless in bed and was told that she was pronounced dead, just one minute before we arrived. Nobody in the family was with her till her last breath, but my niece, Inuts, as my sister Cecil was told to purchase some medicine from the drug store nearby. Maybe that’s how God and Mom wanted things to be.
Though saddened and distressed, when we got home, after she was taken to the funeral parlor, there were already a few people back home fixing things for my mother’s wake. Everybody was moving in unison. It was clearly some kind of a “Bayanihan” for that matter. A few minutes later, people were increasing in number to my surprise. After a few hours later, everything was set. And I admired pretty well my town mates, relatives, neighbors, friends and government people, and some relatives as well who came from other provinces for the endless help extended to our family. I also wanted to personally thank the very good Ex-congressman Atty. Budoy Madrona for the tremendous help extended to us and the very unique service given by Ate Beth Magallanes and her people, and the rest who condoled with us, the church people, those who prayed for my mother and for those who were with us till her very last hour. Thank you so much. I would also want to give credit to my ever beautiful, younger sister Cecille for giving a 101% of your time, strength and love, endlessly taking care of our beloved mother till you drop.
Our eldest sister, Bebbotte, arrived on Oct. 6 (Saturday) with her children Shiela, Sharon, Bobby, Michelle and Sunshine with her little one, and our other sibling Pio and wife Serma, all so distraught. Pio then, because of some emotional reasons asked the funeral staff to open the coffin before Mom was finally laid to rest just so he could touch our mother’s arm.
Death is never losing a loved one. It is gaining a home, our true home with God.
My mother’s wake was simply less stressful because of the big help from everybody. But for me, a wake is a thing of the past. It is a different thing here in Metro Manila and the adjacent towns. Having a wake on a chapel is tedious. For me, I wanted a cremation after three days from death. And three days would be safekeeping to a funeral chapel with scheduled visiting hours for the family. After all, death is death. But do we rather not want everybody to remember us healthy and strong,
beautiful and glamorous, and remain those thoughts in their minds rather than see us sick, pitiful, dying and gone? My take…
Weeween Reyes
All Souls Day 2018

Thursday, November 1, 2018

PAUWI KA NA

Pauwi Ka Na

Sa piling mo Inay may tamis ang lambing
Sa sinapupunang kami ay nanggaling
Ang yong mga yakap, init sa yong piling,
Hagod ng pag-ibig kanta ay lalarin.

Pumikit na Inay, himbingan ang tulog
Ngiti ay baunin saan man umabot
Ang wagas na buhay sa piling ng Diyos
Ay kapayapaan ang tunay na handog

Humayo ka Inay patungo kay Itay
Upang maidugtong kwerdas na napigtal
Sa aming pighati lagi ay tunghayan
Upang kalungkutan namin ay maparam.

Paalam na Inay, masayang paglakbay
Sa Kanyang kandungan ang tunay mong bahay.

Weeween Reyes 
"Undas 2018"

Friday, October 12, 2018

Good Night Sweet Dreams Inay

    "Goodnight, Sweet Dreams Inay"
    Matulog ka Inay
    nang walang kasinghimbing.
    Kapag ikaw'y naidlip 
    di kita pupukawin.
    Matulog kang tahimik
    at mata mo'y ipikit
    Upang bawat kirot
    di na mapapansin.
    Lulubayan ka na
    ng mga hinagpis.
    Tuluyang mababaon
    agam-agam at hapis.
    Inay, baunin mo aming pagmamahal
    na tanging sa yo'y aming maiaalay
    at yayakapin ka ng aming mga dasal
    upang sa palisan iyong maging gabay.
    Kung kami ma'y nagkulang
    Hiling sa yo'y kapatawaran.
    Di man namin naisin
    oras ay nakatali rin.
    Sa yong paglalayag
    hahawiin ang makapal na ulap
    ng mga anghel na sasalubong,
    naghihintay sa iyong pag-akyat,
    pagkat tandaan mo Inay,
    nabayaran mo na sa lupa
    ang mga kasalanang
    lingid at di natin alam.
    At sa yong pagdatal
    ikaw'y pagbubuksan
    sa tahanang langit na tunay
    Pagkat napatawad ka nang ganap
    sa pagluwal ng sampung anak.
    Mapayapang paglalakbay Inay!
    Ikumusta mo na lang kami
    Sa aming amang mahal,
    at sa dalawa naming kuyang
    una nang namaalam.
    Paalam Inay, paalam.
    Hanggang sa muli.
    Wee-ween Reyes
    Oct 12, 2018
    (9th day)
    Comments

Saturday, July 7, 2018

How Sweet is God

How Sweet Is God

I love looking
at the roof of the world
Where I can see
stratus, cumulus,
and stratocumulus,
the lowest in the atmosphere.

One day
as I was catching the clouds,
I saw a big ice cream in a cone
and at the center,
I saw Him.
At first, I was petrified
but later astonished.
But there was no camera
to capture the sight,
instead, I kept it
in my heart and mind.
I'm sure, He'll give me
the chance to put into canvas
my unique experience
With the clouds and God.

The following days,
blessings did pour!

Wines 2018

Saturday, June 30, 2018

ANG KASALAN

Ang kasalan
Ang saya saya ko.
Handa na ang lahat
magmula sa mga abay, flower girl,
kahit na ang ring bearer.
Nakausap na rin ang pari
at ang simbahang gaganapan.
Ang mga ninong at ninang kumpleto na rin.
Ang kanyang magulang at ang akin
ay nagkita-kita ng sila'y mamanhikan.
Ganito pala ang pakiramdam.
Gusto mong umiyak sa kaligayahan.
Maya maya pa'y dinala na ang wedding gown.
Oh kay ganda't mamahalin.
Tingin ko'y bagay na bagay sa akin.
Sayang, di pwedeng isukat,
baka di daw matuloy ang kasal.
Eksayted na akong di ko mawari
Tila baga mundo'y nakikibahagi.
sa lahat ng kaligayahang
natatamo ng isang tulad ko.
Dumating na rin ang mga kaanak.
siksikan na sa aming malaking tahanan.
Nagkakatuwaan na't nagkakasiyahan
Habang ako'y umupo na't mag-aalamusal.
Ang bango ng Luto ni Yaya
Kaysarap ng afritada
at ako'y kumuha na ng kutsara't
sumandok, saba'y nganga,
nang biglang may yumugyog sa aking panga
ano ba, binabangungot ka na naman mama!
Waaaaaaaaa....
Di man lang pinasubo kahit isa 

MAY BULONG ANG ULAN

Bumuhos ang kanina pa'y
nagmamatyag na itim na ulap
na nakahalukipkip sa dakong kanluran.
May pagbadya ang lagaslas ng ulan.
May angas ang galaw.
Ang talim ng kidlat
halos pumunit sa pisngi ng langit.
Kahit ang hanging walang imik
Wari'y natulala sa palahaw ng kulog
at sandali pa't napapitlag.
Hudyat upang mag-uwian ang mga batang
nagkakatuwaang magduyan
sa lumang gulong ng sasakyang
binugkos ng pirapirasong tela't
tinali sa ilalim ng malaking
puno ng bayabas.
Takbo!
Kaya't nagtilamsikan ang tubig
na nagsisimulang maipon sa kalsada
sa kanilang pagkaripas.
At ang bawat talsik nito'y
gunitang nagpabalik sa nakaraan,
noong tayo'y inabutan
ng ulan sa madulas na pilapil.
Kaylamig ng bawat butil
na kumakaskas sa aking mukha
at nuot sa aking kalamnan.
Ngunit ang init ng yakap mo'y
darang na tumutunaw sa aking ginaw
at sa bawat sablay ng aking hakbang
sa daang makitid, dibdib mo't
dibdib ko'y agad sumasanib
upang ang paa ko'y di sumawsaw
sa pitak ng bukid.
Hayyyyy....
At ako'y napangiti.
Hindi lang hikbi ang dala ng ulan,
may bulong din itong hatid ay kilig.

Wines 2018

SA LIKOD NG LUMANG LARAWAN

Sa Likod ng Lumang Larawan

Nangangalmot na ang amag
na naninirahan sa kupas na larawang
nasa kahon ng narrang aparador.

May sapyaw na kurot ang kirot
tuwing umaalis ang araw,
ang buwan, at ang taon
sa mga pahina ng kalendaryo.
Lagpas bahay na ang puno ng akasyang
magkasabay tinusok sa lupa
sa laki'y naging lilim na,
ngunit kahit minsan ni haplos
ng basahan, di man lang sumayad
sa napabayaang litratong
hangad lang ay simpleng paglingap.

Minsang s'ya'y umuwi sa sariling bayan,
ang lumang larawan, nakaramdam 
ng pag-asang matagal nang pinapangarap.
"Kahit isang sulyap man lang."
(Gaya ng kanyang pag-asam).

Matamlay na ang kulay nito,
ngunit banaag pa ang saya ng lumipas.
Ang limot na't nilumot na nakaraan.
Dagli'y nahapit sa dibdib. 
May ngiting bumahid sa labi
pagkat alaala'y multong bumabalik.
Danga't kahit sa hinagap,
wala ng puwang ang dating kilig.
Ang pananabik magtatalo lang
at ng isip.

Wines 2018

Tuesday, June 5, 2018

KAHIT ISANG YAKAP LANG


Kahit Isang Yakap Lang
(Miss kita Ina)

Ibig kong mayakap ang nagbigay buhay
S'yang naging dahilang araw masilayan
Paa'y nasa hukay nang ako'y niluwal
Ang mundo'y tumigil habang nasasaktan

Nang ako'y nagsilang wika ko'y bayad na
Sa mga hirap mo at pag-aalala
Sa halik at hagod na walang kapara
Kulang pa ang sapat, oh, mahal kong ina!

Ngunit paano ba kita matularan?
Yaong pagmamahal na walang kapantay
Sa pag-aaruga't walang sawang gabay
Sa pag-uunawa bawat kamalian.

Kaypalad ko wari na ako'y nagising
sa mundong may hapis ngunit may paglambing
Sa mundong makulay, mata'y walang piring
May hagod ang tulog, madaling mahimbing

Mapalad din sila na ako'y namulat
Sa iyong daigdig na puno ng habag
Upang sa paglakbay o pagtawid-dagat
Baon ay pagsintang may sayang kayakap.

Salamat oh ina at may gintong-aral
Ang nulas sa labi mulang kabataan
May lamyos ang himig, may dangal ang asal
Sa bawat tugtugin, may tamang paghakbang.

Weeween 2018
(Pictures taken a year ago)

Monday, May 14, 2018

INA (Irog Ng Anak)

INA (Irog Ng Anak)
www.weenweenreyes.blogspot.com

Ang mga mata nyang malamlam
bakas ng inang nagbata
ng hirap at pagod.
Di hantad ang luha at lumbay
nang sampung kaluluwa'y maging tao.

Yumakap ang aking alimutaw
sa kulubot n'yang kamay
na sa akin ay nakatangan.
Wala na ang kinis ng kahapon.
Wala na ang lakas ng nakaraan.
Wala na ang lambing ng hagod.
Ang dating init ng gagap,
tila yumao na.
Ngunit ang mga ngiti sa labi
pilit nagsisinungaling.
Pilit tinatanggi ang panghihinang
kumakain sa kanyang himaymay.
Pilit tinatago ang takot
na gumagapang sa kanyang pagkatao.
Pilit nagpapakatatag
tuwing aking nilalapitan
at ang mahinang sagot
sa aking mga tanong
"nag-iingat lang"

Kay amo pa rin ng kanyang mukha.
Hindi kayang igupo ng sakit
na sa kanya'y humahaplit.
Ang mga biro, tila pa rin
bagyong humahagupit,
matibay, determinado, huwisyoso.
Sintatag ng moog
na tanggulan ng aming kahinaan,
bantayog na aming titingalain,
Upang aming baon sa bawat laban.

Kahit wala na ang tindig at tapang
sumisigaw ng pagmamahal ang haplos.
Bawat gatla sa mukha may kahulugan,
may gintong aral na iiiwanan.
Ah, ang ating ina, tunay na dakila.
May pusong patuloy na nagmamahal
kahit sa ating pinakamasama.
May kamay na humahawak
kapag tayo'y nanghihina.
May kandungang sasalo
kapag tayo'y nalugmok sa lupa.
Ating ina, sya ang umaakay
kapag tayo'y nadadaan sa lubyak.

Weeween Reyes 2018
(Araw ng mga Ina)


Sunday, April 15, 2018

PIRA-PIRASONG ULAP

· 
Naghagilap ang aking mga mata.
Ibig kong mamulot
ng mga naggagandahang ulap,
simula sa mababa pataas.
Isa-isa kong tinipon
ang bawat hibla nito.
May malaki't maliit.
Nais ko sana'y simputi ng bulak
ang aking bawat mahagip.
Upang sa pamamagitan nito
ang maiguhit galing sa paslit
kong alaala'y magagandang bagay,
masasaya, wagas at puno ng pag-ibig.
Ngunit aking napansin,
sari-sari ang kulay ng mga ulap.
May puting-puti, may abuhin,
may mapula, may kulay kahel,
may ube at meron ding maitim.
Marahil ito'y sanhi ng pagkakaiba
ng oras, at panahon, at repleksyon.
Para bang ating buhay.
Maraming kulay, maraming hugis,
May makapal may manipis.
May halakhak, may paghikbi.
Unti-unti kong pinagdikit
Ang bawat kong nadampot
upang ihugis ang ating kabataan.
Noong tayo pa lang, ating
mga kapatid, ating nanay at tatay.
Punong-puno ng pagmamahal at pangarap.
Kaysaya, kahit minsan
may lungkot ding kaagapay.
Ngunit tulad ng kastilyong buhangin
ang tinipon kong ulap
nadala ng hanging umihip,
nawasak, naiba ang hugis.
At ang mga ating mga hakbang
naiba ang landas, hindi nasunod
ang mga mumunting pinangarap
Ngunit gaya ng paggiya ng timon,
nariyan palagi ang Panginoon
upang hatakin tayo sa tamang landas,
nang sa ating paggising
tayo'y maging magulang
at may pamilyang masasandigan.
Gaya ng kung saan tayo nagsimula
Naitayo ang bagong kastilyong
Tunay na sariling atin.
Nabuo ang mga ulap na mapuputi
upang maging daan sa ating pagngiti.
Ngunit ang anino ng kabataan
at ang ating pamilyang pinagmulan
mawalay man ay busilak ang pagmamahal,
Weeween 2018 (April 9)

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...