Unang Pasko Sa Langit
Tanaw ko'y gumala't abot kalangitan
Nagbakasakaling kita'y mamataan
Sa mga bituing baka isa'y ikaw
Sinag ng liwanag, ilaw mo ay tanglaw.
Kumikislap ka bang tuldok sa madilim?
Sa rabaw ng mundo ay bibitin-bitin
Habang nakatanghod ngayo'y nakatingin
Sukdang minamahal lubos naninimdim.
Ngunit hayaan mo ang mga naiwan
Sa tamang panahon ikaw'y sasamahan
Ta'y may kasabihang "una-una lang yan"
Buhay sa daigdig sadyang hiram lamang
Paano ba Inay ang Pasko sa langit?
kwentuhan mo ako habang nanaginip
Sinalubong ka ba ni Itay ng halik
si Kaka, si Diko, mukha ba'y nanabik?
Siguro nga Inay masaya ang Pasko
Na una mong danas mula nang yumao
Sa piling ng Diyos at Ama ng tao
Namnamin mo Inay kaygandang regalo
Sa piling ng Ama ang Pasko ay wagas
Lahat ay masaya, may pumapalakpak
Sila'y sumasayaw habang magkayakap
Kumakanta-kanta anghel na may pakpak.
Inspirasyon:
Flor Maliwanag Keh: Merry Christmas,
1st time dn ni auntie to spend Christmas
in heaven with Jesus Christ.
Weeween 2018
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
a morsel of my youth
A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...
-
CHILD OF A POLITICIAN When I was but seven years old, I already knew what politics means, for I lived in an atmosphere filled with stinki...
-
EPEKTO NG "SHABU" Ma.Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes,10/26/2011 Umaga sa klinika may dumating pala babaeng n...
-
"ANG NARS "Ma. Crozalle Reyes Raymundo a.k.a. Wee-ween Reyes, Sept. 20,2011 (alay ko sa mga Pilipinong Nars) Tawag sa kan...
No comments:
Post a Comment