Saturday, February 25, 2012

IKA-WALONG ARAW NG SIMBANG GABI



                                      

IKA-WALONG ARAW NG SIMBANG GABI

Pagkatapos ng bukas
Hahanap ng lumipas
Sa labi'y mabibigkas
Simbang gabi'y nagwakas

At hahanaphanapin
Paggising tatanungin
Ay kaylungkot isipin
Isang taong hintayin

Pagkatapos magsimba
Mabuti't naalala
Yaong bilin ni Rhea
Pagkasimba'y bilhan s'ya

Puto bongbong kay sarap
Si Rhea ang nangarap
Ako ang nagpasarap
At parang nasa ulap

May ginadgad na niyog
Oh kaysarap isahog
Ako'y napaindayog
At muntik ng mahulog

Mainit ang bibingka
At may itlog na pula
Mapapaso ang dila
Masarap sa umaga

kapatid na Rhea binilhan na kita ng puto bongbong at bibingka...ayan na sa taas...

Untitled (poem/poetry) -2

then one day she said goodbye
that thing i'm sure i'll never cry
and if you'd ask me if i try
i will care less like bird i'll fly

Untitled (poem/poetry) -1


I had a bad dream within
about this stupid friend
we lost some years of ten
mine heart 'tis i can't mend

i treat a friend so well
tho in heaven and in hell
her secrets i never tell
never did i bid her farewell

but life seems so unkind
and time will not remind
if i have chance to rewind
to others i'l still be kind

ISANG PAALAALA

ISANG PAALAALA
(Wag umalma)
ANG LUMIKHA NG GRUPO
(Creator JUles Ragas)
Ma. Crozalle R. Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes

Sa isang sansinukob
Ang Dyos ay kumubakob
Agad tayo'y sumukob
Ating ulo'y sumubsob

At Siya ang maylikha
Ng Langit at ng lupa
Lahat ng may hiwaga
Sa Kanya rin nagmula

Tayo'y taong may sala
Nilikha ng maylikha
May puso't kaluluwa
May isip umunawa

Atin kayang tantuin
At ating bigyang pansin
Lahat pakaisipin
May dapat kayang sundin?

Ano ba ang pinuno
Sa ating kurukuro
S'ya nama'y isang tao
Tulad nati'y may puso

Sa bawat isang grupo
Ay may isang pinuno
Ang sa ati'y bumuo
Gumamit ng talino

At tayo ay pumayag
Nabasa at di bulag
Pwede namang pumalag
Ngunit di nagpahayag

Bakit ta'y nakalimot
Mukhang naging madamot
Buhok unat ma't kulot
Lahat ay dumudotdot

Wala ngang pumipigil
Kahit ika'y manggigil
Kahit pa nga suwail
Hindi rin naitakwil

Ngunit parang sumubra
Laya'y umarangkada
Walang sinisino na
Pantay ang puno't bunga

Sana tayo'y magbago
Kahit ang kunting ulo
Aba ay gamitin mo
Matutong magrespeto

Siya itong nagbuo
Hindi basta tumubo
Ating puno ay puno
Sa atin ay mamuno

Kahit sobrang maanghang
Biro'y lagyan ng galang
At isaalang alang
Ang pinunong nilalang

Ang naglikha ng grupo
admin kasunod nito
At tayo ang miyembro
Tayo'y magpakatao

Ang biro ay ibigay
Kung kanino nababagay
Ang pinuno'y ilagay
Para sa ati'y gabay

Ngunit aming pinuno
Ang bait mo't pagsuyo
Ibigay mo ng wasto
Kami'y hindi liliko

Sadyang ang isang grupo
Tiyak hindi magulo
Kung ang mamuno dito
Kasundo ng miyembro

Tayo'y magsamasama
Hawak kamay pa sana
Sa lahat ipadama
Ang buhay may pag-asa

Ang LOVE DATING ROMANCE po
Iyan ang ating grupo
Ating igalang ito
At magmahalan tayo

Ating panatilihin
Ligaya ay namnamin
May sala'y patawarin
Bawal ang mainggitin

Sa pagluha'y damayan
tayo ay magyakapan
Kung merong kakayahan
Ang isa ay gabayan

Tayo ay magtulungan
tayo ay magdamayan
Tayo ay magtawanan
Problema ay iwasan

Mabuhay tayong lahat, "LDR Group"

IKA-PITONG ARAW NG SIMBANG GABI



IKA-PITONG ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Weeween reyes, 12/22/2011

Kaysarap isipin parating ang Pasko
Dal'wang araw na lang bisperas na ito
Kahit inaantok aming siniguro
Kami'y matatapos ito'y sakripisyo

Minsan sa malapit kami nagsisimba
At kung minsan naman malayo layo na
Kaya lang kagabi ako ay ma-isa
Lumakad ng solo makumpleto sana

Pagdating nga namin marami ng tao
Pag 'yong kinumpara nabawasan ito
Pagkat ang iba ay agad sumuko
Hindi nakayanan sa antok natalo

Kayganda kumanta ng mga kantura
Parang boses anghel sa lupa'y bumaba
Gaya nitong pari boses ay maganda
Masayang magmisa lahat ay matawa

Ito ang problema ako'y antok pala
Muntik ng ngumanga anak ay handa na
Pasimpleng siniko ako ay nabigla
Naputol ang diwa at nanaginip na

Sana ay matapos itong simbang gabi
Ika-pito na nga sana ay magwagi
Kahit nga si father lahat ay binati
nagpalakpakan pa lahat napangiti

Sana nga'y matapos itong simbang gabi
Lahat ng pagpuyat meron namang silbi
At napakasarap makumpleto lagi
Minsan isang taon hindi lagilagi


Nabuo din ang tula kahit tukod na ang tuka....
  

IKA- ANIM NA ARAW NG SIMBANG GABI



IKA- ANIM NA ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/21/2011

Naiwan sa bahay, ako ay mag-isa
Hindi naman sanay wala ng nagawa
Nagsimba ng solo pagdating huli na
Ang sermon ni Father muling nagsimula

Kumanta ang pari pagkalakas pala
Wala na sa tono ang boses ay iba
Hindi mahinaan akala'y maganda
Nalunod ang tinig yaong manganganta

Simbahan ay puno sa labas tumayo
Ako ay may dala ang folding na silya
Hindi nakatulog mata'y nakabuka
Kayhaba ng sermon antok ay nawala

Paano antukin lahat napatawa
Ang boses ni Father humahalinghing pa
Para lang kabayo na kumakarera
Mukhang napagod na pang-anim na simba

At ang aking dasal ay naisturbo pa
May katabing bata malikot na sadya
Silya'y daladala paikot ikot pa
Panay ang salita lakas ng bunganga

Kasama'y sumunod panay ang saway n'ya
Ngunit di s'ya pansin at mukhang may tama
Sarili'y natanong dapat nga ba kaya
pwedeng simbang gabi bata'y daladala

Natapos ang simba lahat ay masaya
pagkat itong pari mukha pang komedya
Paglabas ng simbahan ako ay nauna
At baka masiksik ako'y lumakad na

Pasensya na nakalimutang gumawa ng tula kanina...
  

IKA-LIMANG ARAW NG SIMBANG GABI


IKA-LIMANG ARAW NG SIMBANG GABI
Ma. Crozalle Reyes Raymundo
a.k.a. Wee-ween Reyes, 12/20/2011

Hindi na natulog ng dahil sa fez buk
Punta sa simbahan wala na ang antok
Pagdating nga namin panay ang himutok
Wala ng upuan nagtiis sa sulok

saktung sakto pala umpisa ng misa
Ang boses ni Father ayo't namalat na
Sa kasesermon nya gabi at umaga
Boses ay nasira at lalong nawala

Ngunit kahit malat kami ay nagulat
Natapos ni father ang sermon sa lahat
Kayhaba ng sabi kami'y namulagat
Masarap namnamin ikaw ay mamulat

Ika-lima na nga ako ri'y humanga
Marami pang tao puyat di alintana
Tinanong ni Father kung lakas meron pa
Lahat ay natawa lahat ay masaya

Ako ay natuwa at mata ay luwa
Hindi nga inantok at bukas ang diwa
Di gaya kahapon at tulo laway pa
Parang isang manok tukod na ang tuka

Magpapasko na nga di na mapigilan
At ang mga bata tiyak mamuwalan
Maraming ihanda sa bawat tahanan
Luluto si Nanay lahat sasarapan


Pasensya na di makatula puyat hehehe.....

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...