PURANG, MAY LANGIT KA!
Ang mundo ay puno ng hiwaga't bakit
Nang luha at hikbi, minsa'y hinanakit
May ngiti at tuwa kapag ang nasungkit
May kisap at ningning, bituing marikit.
Nang luha at hikbi, minsa'y hinanakit
May ngiti at tuwa kapag ang nasungkit
May kisap at ningning, bituing marikit.
Ang bawat nilalang niluwal sa mundo
Ay may kanya-kanyang tangang pagkatao
Kung may matalino, may mahinang ulo
Kayumangi't puti, may tisoy may negro.
Ay may kanya-kanyang tangang pagkatao
Kung may matalino, may mahinang ulo
Kayumangi't puti, may tisoy may negro.
Ang lahat sa lupa Diyos ang may akda
May sariling dunong, iba't-ibang mukha
May sariling bait mabuti't masama
Binigyan ang tao ng isip at diwa.
May sariling dunong, iba't-ibang mukha
May sariling bait mabuti't masama
Binigyan ang tao ng isip at diwa.
Ngunit ang ating Dios lubhang matalino
Mula langgam, lamok at ibang insekto
Ating bawat kara walang kapareho
Anumang itsura tayo'y makuntento.
Mula langgam, lamok at ibang insekto
Ating bawat kara walang kapareho
Anumang itsura tayo'y makuntento.
Pagkat may dahilan ang pagkakaiba
Upang ang daigdig may lungkot, may saya
May ahas, may daga balanse ang dala
Ang ating planeta ay walang kapara.
Upang ang daigdig may lungkot, may saya
May ahas, may daga balanse ang dala
Ang ating planeta ay walang kapara.
Tanggapin ang bawat bagay na hinain
Kung anong hinasik siyang aanihin
Manyapa't kinulang huwag lalaitin
At baka ang langit di na ta diringgin.
Kung anong hinasik siyang aanihin
Manyapa't kinulang huwag lalaitin
At baka ang langit di na ta diringgin.
At ang mapepera kapag naging hangal
Naging palamara sa yamang nakamal
Buti pa ang aba kahit nanunungkal
Kanyang isusubo marumi ay banal.
Naging palamara sa yamang nakamal
Buti pa ang aba kahit nanunungkal
Kanyang isusubo marumi ay banal.
Biyaya sa taas kagyat nakahanda
Ang isang palasyong dampa lang sa lupa.
Ang isang palasyong dampa lang sa lupa.
Weeween Reyes 2019
Photo: courtesy of Cecille Reyes
Photo: courtesy of Cecille Reyes
No comments:
Post a Comment