Tuesday, June 25, 2019

ANAK










Anak
Nang iluwal kita buhay ay nabago
May ibang pangarap karaka'y nabuo
Pinagbuklod ikaw, ama mo at ako
Nang isang pag-ibig, wagas at totoo.
Ang siyam na buwan sa sinapupunan
Tila paghahanda o ang kasanayan
Ang maging.magulang isang karangalan
Regalo ni Ama sa sangkatauhan.
Anak, ikaw ay ang kabuuang bigay
Tulay na uugnay sa tatay mo't nanay
Ang basbas ng kasal, pag-ibig na suhay
Sa iisang bubong titira't mamuhay.
Sa yo nagsimulang gumulong ang mundo
Sa mga iyak mo taranta at lito
Ngiti mo'y panghagod sa pagod at hilo
Anghel ka sa lupang mandi'y naging tao.
At mulang humakbang kaba ay kumabog
Baka ka madapa o kaya'y mauntog
At bawat pag-akyat palad sa paghulog
Langaw na dadapo sa pamalo'y bugbog.
Tanging kayamanang kay kirlap ng kinang
Sa iyong paglaki ginto kang nalinang
Mangyaring muslak pa'y turuang gumalang
Pagmamahal sa Dyos sa ati'y naglalang.
Anak ko, anak ko, kaysarap banggitin
Musika sa taynga, may lambing,may diin
Kasamang mangarap, ating arugain
Masiit na daan iwasang landasin.
Weeween Reyes 2019
Photo credits to the owner

Monday, June 24, 2019

Nang Dahil sa Pag-ibig





Nang Dahil sa Ulan
Kay lakas ng bagsak ng ulang magilas
Sing-ingay ng tuwa ng palakang kokak
Aba't ginaya pa ang kulit ng kidlat
Kaya't itong kulog tuloy nagpasikat.
At "Aba Ginoong Maria" ang sambit
Agad nag-antanda kahit naiinis
Bakit di matuwa sa naghihinagpis
Mga magsasakà agad nagsiawit.
Habang ang makata diwa ay lumakbay
Upang bawat patak ay bigyan ng saysay
Sa bawat tag-ulan may pinag-ugatang
Lumang alaala ng pagmamahalan.
Sana ay anurin pait at hinagpis
Upang ang matira ay puno ng tamis.
Weeween Reyes 2019
Larawan: Google

Wednesday, June 12, 2019

ON HISTORY

On History
(Random thoughts)
I don't question who God is and how He looks
It's enough for me to believe in Him seeing how wide the universe is, how the stars and the planets are pinned up there, how the moon every day comes and goes like the sun at day time, how clouds are formed and transformed into rain, how the plants from seeds grow to a tree, how the larva transforms into a butterfly, how babies are conceived and born, how humans grow into adults and have different brains and looks. how I breathe every second, every minute and how I survive every day. Scientists are humans. Their knowledge came from God, they just deny it, but in their last breath, they will learn to accept God in their hearts.
I believe in His teachings, the old teachings since they were the once closer to the truth. Since they were the first who experienced how the world started and not how people today imagine and try to make changes about the truth.
People nowadays are obsessed with changes just like how they change our history. For me, Rizal's history is Rizal's, Marcos history is Marcos history, likewise, Ninoy and the rest have their own slice of history, and truth should not be changed based from one's analysis and prognosis. History is history and nearest to the truth as during those times those were the things that transpired right in the eyes of millions of people not in the mind of one feeling to be intellectually inclined to history.
Happy Independence Day to all.
Weeween Reyes 2019
Photo credits to the owner

Isang Taong Saya at Tuwa

ISANG TAONG SAYA AT TUWA
(Yoonji the cat, no longer a kitten)
Binigyan mong saya tahanang tahimik
Nang ikaw'y dumating napunong hagighik
Kahit na kung minsan pangil mo ay tinik
Ikaw'y aming tuwa sa lungkot at hibik.
Isang taong ngiti sa bawat pag-uwi
Kapag nakita ka'y sabik ay mutawi
Aliw na kay sidhi sa bawat pighati
Ganda mo ay sakdal sa kulay mong puti.
Magmula ng ikaw'y sa ami'y dumatal
Ay tila ang gamot sa lumbay pantapal
Habang kausap kang tila taong normal
Kawag ng buntot mo'y tila batang utal.
Salamat sa walang tigil pagbibigay
Nang ligayang langit kapantay na tunay!
Weeween Reyes 2019 (June 12)


a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...