January 19·
HULING KAWAY
Maraming salamat sa pagdalaw
sa aming abang bayan.
Nagdurugo aming mga puso't
hilam aming mga mata,
at ang huling kaway mo'y
tila balaraw na hinugot
sa aming kalamnan.
Masakit, nakakalungkot
may panghihinayang.
Ngunit sana ang hapding dulot
ng 'yong pamamaaalam
magsilbing sugat
upang sa paghilom nito'y
may peklat na maiiwan
upang magpapaalala
na minsan may singtulad mong
ipinadala ng langit,
umapak sa aming kalupaan
at nagbigay pag-asa at liwanag
sa aming mga puso't kaisipan,
upang baguhin aming mga sarili
at magsilbing huwaran
sa aming mga anak,
sa aming mga kapatid
sa aming mga kaanak
sa aming mga kapitbahay
at sa buong sangkatauhan.
Nawa'y patuloy mo kaming basbasan,
tulad ng ikaw'y patuloy naming ipagdarasal.
Paalam, paalam.
Paalam mahal na SANTO PAPA
at muli'y maraming salamat,
mula sa puso ng mga Pilipino.
Maraming salamat sa pagdalaw
sa aming abang bayan.
Nagdurugo aming mga puso't
hilam aming mga mata,
at ang huling kaway mo'y
tila balaraw na hinugot
sa aming kalamnan.
Masakit, nakakalungkot
may panghihinayang.
Ngunit sana ang hapding dulot
ng 'yong pamamaaalam
magsilbing sugat
upang sa paghilom nito'y
may peklat na maiiwan
upang magpapaalala
na minsan may singtulad mong
ipinadala ng langit,
umapak sa aming kalupaan
at nagbigay pag-asa at liwanag
sa aming mga puso't kaisipan,
upang baguhin aming mga sarili
at magsilbing huwaran
sa aming mga anak,
sa aming mga kapatid
sa aming mga kaanak
sa aming mga kapitbahay
at sa buong sangkatauhan.
Nawa'y patuloy mo kaming basbasan,
tulad ng ikaw'y patuloy naming ipagdarasal.
Paalam, paalam.
Paalam mahal na SANTO PAPA
at muli'y maraming salamat,
mula sa puso ng mga Pilipino.
Wines 2015 (Jan. 19)
Photo credits to the owner
No comments:
Post a Comment