Sunday, June 28, 2015

TATSULOK ANG PUSO


BITUIN


DASAL

DASAL

Aming Diyos,

hari ng langit at kalupaan,
kaawaan mo kaming mga makasalanan
Patawarin mo rin po kami 
sa aming mga pagkukulang,
sa mga masamang kaisipan 
at mga inggit sa katawan.
Tulungan mo kaming maging mabuti 
sa aming kapwa at nawa kami 
ay Inyong ilayo sa gawaing hindi tama.
Salamat din po oh Diyos sa lahat 
ng mga biyaya at sa pagpapala Nyo sa amin
kahapon,ngayon, bukas. at sa lahat ng
pagkakataon.

Amen, amen!

Wines 2015 (Jan. 22)

HULING KAWAY


HULING KAWAY

Maraming salamat sa pagdalaw
sa aming abang bayan.
Nagdurugo aming mga puso't
hilam aming mga mata,
at ang huling kaway mo'y
tila balaraw na hinugot
sa aming kalamnan.
Masakit, nakakalungkot
may panghihinayang.
Ngunit sana ang hapding dulot
ng 'yong pamamaaalam
magsilbing sugat
upang sa paghilom nito'y
may peklat na maiiwan
upang magpapaalala
na minsan may singtulad mong
ipinadala ng langit,
umapak sa aming kalupaan
at nagbigay pag-asa at liwanag
sa aming mga puso't kaisipan,
upang baguhin aming mga sarili
at magsilbing huwaran
sa aming mga anak,
sa aming mga kapatid
sa aming mga kaanak
sa aming mga kapitbahay
at sa buong sangkatauhan.
Nawa'y patuloy mo kaming basbasan,
tulad ng ikaw'y patuloy naming ipagdarasal.
Paalam, paalam.
Paalam mahal na SANTO PAPA
at muli'y maraming salamat,
mula sa puso ng mga Pilipino.
Wines 2015 (Jan. 19)
Photo credits to the owner

HIS HOLINESS POPE FRANCIS

HIS HOLINESS POPE FRANCIS
http://en.wikipedia.org/wiki/Pope_Francis
Ang buntunghininga natin ngayo’y amoy Papa Francis, ang lumalabas sa ating labi’y puro kabanalan. Nakakahawa ang ating nakikita sa T.V. at naririnig sa radio, ngunit dapat taimtim din tayong manalangin at isapuso ang ating pagmamahal sa Diyos at magpasalamat na tayo’y kanyang binigyan ng isang Papa upang mapalapit sa Kanya. Nawa’y Kanyang gabayan si Papa Francis sa kanyang paglalakbay hanggang makabalik sa Roma.
Kung sana lahat tayo’y mabigyan ng pagkakataong makaharap ang isang Papa, doon pa lang natin mararamdaman kung bakit marami ang sumasamba sa kanya. Ngunit ang katotohanan, hindi natin s’ya sinasamba bilang isang taong Diyos, bagkus, isang ipinadala ng Diyos para ipaalala sa ating lahat na tayo’y may Diyos na dapat mahalin, igalang, dasalan, purihin, sambahin, upang tayo’y maging kawangis ng kanyang kalooban.
Wayback 1995, I can still remember clearly, diyan sa kanto ng Quirino ang dating clinic na aking pinapasukan, so my eldest son, my co workers and I got the chance, many chances for that matter, to see Pope John Paul on the terrace of his residence. Mga alas tres ng hapon lalabas s’ya sa terasa at kakaway sa mga tao. . Ang sarap ng feeling, para kang nasa langit. Mapapaluha ka, na para bang napakalapit mo kay Lord. Pero hindi pa kami nakontento doon. Minsan, may instance, ng makita naming umaakyat ang karpentero sa bubong ng building upang makita ang banal na papa, nagpaturo rin kami kung saan sya umakyat upang aming matanaw muli ang Santo Papa habang s’ya ay sakay ng kanyang service upang umikot na sa kamaynilaan. Chance of a lifetime, ika nga. After 20 years, question is, will that once in a lifetime opportunity knocks on my door again with Pope Francis? Only "He" can tell
.
Sa aking sariling pananaw ang lahat ng ating sinasamba’y iisa, Nagkakaiba lang sa pangalan o pagtawag at paniniwala. Bawat relihiyon ay gustong mas magaling sa isa’t isa, dulot nito’y di pagkakaunawaan. Sana sa muling pag-apak ng isang Papa sa ating kalupaan, s’ya’y magpapaalala sa ating lahat ng ating mga pagkukulang sa ating pananampalataya, ang ating pagkalimot sa Kanya, at sa ating mga nagawang mga kasalanan sa ating pamilya, sa ating mga kapitbahay, mga kaibigan at lalung-lalo na sa ating mga kaaway, in summation sa ating kapwa. At sana ang ginagawang effort ng ating mahal na Papa sa pagpunta dito sa Pilipinas ay magkaroon ng saysay, ng kabuluhan. Ang nais n’ya’y magbuklud-buklod ang sang katauhan at kalimutan ang mga hidwaan at iringan kahit magkakaiba ang ating mga kulay, salita, mga relihiyon at pananampalataya… Nonetheless, no religion will ever save us, it’s our faith. MABUHAY ANG SANTO PAPA!
Wines 2015 (Jan. 15)
Photo credits to the owner

a morsel of my youth

A morsel of my Youth (Malayan Wave -- aaba bbcb ccdc dd of Jose Rizal M. Reyes) In a small town where I was born and grew had happy...